Thursday, June 18, 2009

Libreng gamot from yours truly

Pagpasensyahan po ang aking matagal na pagkawala. Akala ko naisuka ko na lahat ng ampalaya sa sistema ko, hindi pa pala. Hindi pala ganun kadali malimot ang limang taong pagsasama. At hindi rin pala mabuti na hindi ilabas ang galit kasi nakakaloka.


Buti nakahanap ako ng paraan para unti-unting ilabas ang bitterness and at the same time makatulong pa sa kapwa (breakthrough in medicine itu!)

1. Kumuha ng isang tasang mainit na tubig.
2. Kawkawin at haluhaluing mabuti ang tubig gamit ang mga daliri.
3. Dasalan ng orasyon, murahin ang ex, mas malutong na mura, mas maigi.
4. Pag naging kulay tsaa na ang tubig, ready na ito para ipainom sa pasyente. Mabisang gamot sa diabetes.
5. Tawagin nyo na akong charantia.


Kung gusto nyo ng libreng gamot na ito, magmadali at kontakin ako now na. Malapit na kasi magexpire at maubos ang pait, salamat naman! (Indication: nakapagsulat na ulit ako! :p sana magtuloy-tuloy na, masaya na ko kahit sa once a week na post).

10 Annotated blah, blahs:

Chyng said...

dont forget na i-send yan kay dave para first hand nya mabasa at marealize agad. chos!

mel beckham said...

welcome back mare. sana tuloy2x na ito.

Ming Meows said...

wow naman. baka libag lang yung nakaitim sa tubig

jericho said...

hi princess! welcome back.. ;)

wanderingcommuter said...

FIONIIIEEEE!!!

hahahaha... welcome back! bakit ka bitter? si belgian ba ito o iba naman?

magsama kayo ng isa nating kaibigan, kaPAIT din. hahaha!

Yj said...

aaaaaaaaaaah ikaw pala ang prinsesang kinukwento ni wanderingcommuter....

wow... at talagang nakahanap ka ng paraan para mapiga ang apdo mo.... hehehehe.... update ka kung powerful yang dramang yan ha... para masubukan pag nagkaroon ako ng bitterness sa katawan hihihihihi

nice to be here.....

Princhecha Fiona said...

@Chyng, marealize na...? che. :p

@mel, salamat mare, sana nga... :)

@ming meows, hahahaha, baka nga... o langis kasi nagmemekaniko ako minsan eh. hihihi

@jericho, thanks, thanks! :) namiss mo ba ko? wahehe.

@ewwwikkkkkkkkkk, nope nde si belgian... si jimboi. haha. magsama-sama ang mga mapapait? che.

@yj, ay, anong kinukwento nya, kung ano man yun, chismis lang yun?! (defensive?) hahahaha at uu, epektib yan, swear. :p (at salamat sa pagbisita dito.)

dilanmuli said...

hahaha... isa kang henyo. buti na lang nang mai-share ang bitterness mo hahaha!

kiel estrella said...

fiona! kala ko naman bumalik ka na... san ang next post mo?

alkapon said...

ha ha ha daig pa pala ang ampalaya plus capsule ang bisa ng iyong daliri,, i like that.