"A breathtaking experience of Adventure, Nature and Pleasure in one Island.Grande Island Resort, an island paradise set amongst acres of beautifully landscaped gardens and chalet houses overlooking the crystal white sands and blue waters. Its unique tropical ambience makes it a perfect getaway for couples celebrating a romantic interlude or a family vacation where kids can enjoy adventure activities.
Grande Island Resort takes away life’s pressure." Ayan, pree flugging fa di ba?
Gaya nga ng nasabi ko last Friday, nagpunta ang team namin sa Grande Island Resort sa Subic. Mabuti na lamang na kahit may bagyo ay hindi umulan habang andun kami. Kaya may tan line akong baon pauwi kahit papano! :)

Tulad ng karamihang litrato sa mga campaign ads, kaaya-aya ang Grande Island nung nakita namin ang kanilang website. Ngunit, datapwat, subalit medyo parang hindi ata ganun yung nakita ko sa totoong buhay. Oh well, siguro dahil unang bumungad sa akin ang shoreless front beach, sumunod, yung man-made lagoon na walang laman.
Tas syempre para tipid yung kinuha naming rooms eh yung pinakamura - yung mga hotel rooms. Pero dahil medyo ngarag ako the past weeks, magchoo-choosyfruitgum pa ba ako sa a bit of R&R davah? Ok na din naman, medyo malaki yung napunta sa aming room. Tas may cable TV naman, may ref, at may hot and cold shower.Tsaka yung mga chalet rooms nila mukhang magaganda! Double nga lang ang bayad, kaya kebs na. hihihi Wit na choosy pag nagtitipid noh!
Bawal "daw" magdala ng food sa island, kaya syempre no choice kundi dun lang sa restaurant kumain. Pero ok naman, masarap ang food! Sa unang tingin parang medyo mahal, pero sulit na dahil madami naman ang servings! So lamon galore ang ginawa namin dun! Patabaing baboy ang mga bakla, oink, oink! ahihihihi
Kapansin-pansin ang pagiging winnur ng customer service ng mga staff ng island. Mababait at accomodating silang lahat, kaya tatlong bagsak para sa kanila (plak, plak, plak!)!
O sya tama na ang rebyu! Di ko to forte! ahihihi
Kung kapansin-pansin ang pagiging winnur ng customer service, kapansin-pansin ding walang may facevalue sa mga guests ng resort. (Oh well maliban na lang sa amin davah! ahihihihi.) KALURKI! Walang mga cutiepatootie, nasayang ang dala kong two-piece (Ay wait, may naalala lang ako, meron naman akong nabighani pala! ahihihihi May kumindat na boylet pala sa akin. Di ko lang alam kung napuwing ba sya o sobrang lasing lang talaga nya! ahihihi, pero at least nakindatan ako. Meaning, maganda ako! Che!)
Syempre hindi lang naman puro pagpapakataba at paglalandi ang ginawa namin dun!
Nung pers day ay naghost kaming dalawa ni Maria Abigael ng Tresure Hunt of sort! Effort kung effort, effect kung effect! Lingid sa kaalaman ng aming mga teammates ay "humiram" kami ng mga personal items nila na nakakalat sa mga workstations nila - yun ang ginawa naming treasures! Josko po, sa lawak ng island, 100 pounds ang nawala sa akin pagtago pa lang ng mga trinkets! At syempre kelangan pa naming sundan yung 2 teams habang naghu-hunt sila ng treasure para maibigay namin yung mga susunod na clues!Challenging yung game physically at mentally! ahihihihihi (Sample: Maroon is the color of the third number clue.) Umiinit na ang ulo ng mga teammates ko sa pagod at nagbabanta na silang bugbugin ako kung di daw ako magbibigay ng clue! ahihihihi. Pero masaya syang laruin! Bukod sa exercise itu, naeenhance pa ang team work! Try nyo to gawin pag may team building kayo, masaya swear! (email nyo ko if you want instructions and effects... ahihihi)
Next team activity, ang walang kamatayang charades! Pero may twist. Imbes na isa lang ang magpapahula, isa lang ang manghuhula. Lahat ng iba pa ay kailangan magact out. Ang topic: movies. At hindi lang basta movies, susme may mga pelikulang pinalabas pa noong 1940's! Naman! Sinubukan talaga ang aming galing sa pagarte! ahihihihi. At syempre pa, team ko ang nanalo! Heller, para san pa ang Best Actress in Portraying a Tree Award ko from the Academy kung hindi kami mananalo noh! At ang iskor, masyadong malapet! ahihihihi 23-9 lang naman! Winnur davah?
Ang huling activity na nilaro namen ay obstacle race with pass the message! Matapos ka pahirapan magtatakbo, maglulundag, magsusumampa at maggagapang ay may-i-pass-the-kwento ka and it goes a little something like this: "Si Aling(hingang malalim)Bakokang na anak ni(hingal, hinga) Lola Bokokang ay labandera(hinga ulit) ni Mang Inggo na may alagang Kingkong"! Effort di ba, kamustahin? Ahihihihi Pero happy-happy! At naman, tinatanong pa ba kung sinong team ang nanalo? Syempre yung team ko ulit! Aanhin ko pa din yung 400m-run-against-toddlers medal ko na nakuha ko nung family day sa office nila papa dati davah!
Tapos nun, relax relax na. Kain kain. Picture picture (favorite part ko to dahil naapply ko ang mga natutunan ko sa ANTM). Swim swim. Kain kain ulit (mas favorite part ko to!). Tas kwento kwento.Haaaay, matuling lumipas ang tatlong araw. Parang di ko man lnag namalayan, maya-maya lang kelangan na umuwi. Babalik na naman sa busy-busyhang buhay.
Pero keri na, kahit pano nakapagbonding with the team. Nakapagpahinga ng konti (kung pahinga mang matatawag ang treasure hunt at obstacle race)! Nakapagrecharge gutierrez din kahit paano. Para ready na namang mangarag kinabukasan!
Tama nga ang linya sa website. Sa tatlong araw na yun, Grande Island Resort took away life’s pressure, may cute na boylet man o wala! (naks, plugging ulet? kelangan may bayad na to!)
(Thanks kay Gladymae para sa mga pics!)


6 comments:
winnur naman itong entry na ito. halo-halong emosyon ang anramdaman ko kaya bigla akong napajutot dito sa cubicle ko.
makapunta nga jan minsan. road map mare!
dapat free na sa next stay mare, may plugging na eh. Hihi. importante talaga ang customer service higit sa lahat. sana next time may ma-iteyk home ka na mare. =)
Nakakatuwa naman. Mabuti at nakapag-out of town ka madam at hindi kayo binagyo. Sana may pictures. Kahit walang mga mukha. Ehehe.
@barbie naman, kya pala biglang majoho, ikaw pla yun! hmpt! hahahaha
@mel hay kurek, sana nga next time free! Medyo ginto dun eh... ahihihihi Naman mare, nde ako nagtatakehome, ako ang tinetake home noh! charing! hahaha
@joms hahaha, yups, swerte at nde kmi inulan! iuupdate ko yung post with pics soon... :)
gusto ko ung charades. may hiluhan factor sa manghuhula. haha
@jm sinabi mo! hahaha ang gulo kya namen nun... nakakatuwa!
Post a Comment