Pasensya naman at eons ago pa since last akong nakapagupdate ditey. Wala naman akong excuse para nde mag-update, andami ko ngang topics na bet iwrite, pero ewan, nde ako makasulat.
O sya cge, meron akong excuse. Wala kasi akong jinternet kunekshun ngayon sa balaychina. hahaha. Pasensya, hampas lupa. Sa office naman nde ako makapagconcentrate. Ang hirap kayang magpretend na busy sa work habang sumusulat lang pala ng novela sa blog! Ahihihihi.
So ano palang updates meron aku?
Ayun, nagmega run pala ako ng aking ikajopat na race evah! Ang Run4 Ur Lyf. Ayon sa website ng organizer ng run: "The campaign for a picture based health warning in tobacco products through the fun run last August 17, 2008 at the UP Diliman Campus was one big step in advancing the cause. With more than 500 participants, the Run 4 Ur Life raised awareness on and increase support of the Picture Based Health Warning Bill pending in the Senate and in the Congress."
Knowings nyo na ba 10 Filipinos die every hour due to cigarette smoking? Wala namang magiging gastos ang gobyerno sa picture-based health warning, ba't hindi pa ito ipasa?
Anyhoo, ano naman ang mga kaganapan sa run? Ayun, unang stop pa lang para sa pagkuha ng tubig (which, mind you, is tinatabo lang galing sa drum papunta sa mga cups, so kung hindi lang uhaw na uhaw ka na eh di mo maiisipang uminom! hihihihi) ay natapilok na ako! Yung aking chronic ankle sprain ay nagbabadya na naman. Buti na lang at naka ankle guard ako pag tumatakbo kaya nde naman masyado nainjure ang beauty! Yun nga lang, mas bumaba ang aking time! More than 40minutes ko natapos ang 5k!
Pero froud naman ako sa aking Jimboi! Kahit pangalawang race pa lang nya to, muntik na sya magplace! Shushalin! May potential si lolo! I'm froud! :p Konting practice pa eh feeling ko magkakamit sya ng medalya! ahihihihi...
At dahil nagpramis ako na manonood, kahapon ay nagtungo ako sa Cine Adarna sa UP para manood ng premier ng the Thank You Girls! Bongga! Nagdouble shift ako nung nakaraang araw para makaliban sa pasok (pero pumasok pa din naman ako after... hahaha), nagpamove pa ko ng conference call para makapunta inferness! Pero sulit ang panonood!
At dahil sabi ko nga sa dati kong post na nde ako marunong sumulat ng film review ay nde pa rin ako magaattempt na gagawa ng isa. haha.
Basta masasabi ko lang, job well done Bebs! :) Magaling, magaling, magaling! Ilang beses akong napahagalpak! Kakatawa siya ha! Nakakaaliw ang mga lines. Bentang-benta! At halatang pinag-isipan! Clap, clap, clap! At hindi lang buhay tyg sa mg ang pinakita. Ano-ano pa yung mga yun? Aba, panoorin nyo na lang to find out! hihihihi.
Nakita ko din si Coco Martin! Naman! Kilig to the bones (with maihi-ihi effect) ang beauty ng princhecha, too bad nga lang nde ako nakapagdala ng digicam! Kainis!
At nakapagpaowtograph din ako kay direk! Hahahaha. Magiging collectors item din to balang araw! hihihihi
Tsaka may bonus na free CD pa pla ng Roxymorrons. Oh di ba sulit? hihihihi
Last but not the least! Natupad din sa wakas ang matagal ko nang inaasam. Pangarap ko na nung bata pa ako na makita ang pangalan ko sa mga film credits, kaya lo and behold, halos mapaiyak ako sa gulat at tuwa ng mabasa ko ang pangalan ko sa pinilakang tabing! Kulang na lang magsusumigaw ako sa sine! Hahahaha
So sa mga nde nakanood, watch kayo pag pinalabas na sya sa sinehan. Abangan ang Advance Screening sa Sept 23, 9:00pm sa Robinsons Indiesine. Ang regular screening ay sa Sept 24-30. Don't miss the chance na mapanood ang future international award winning film na itu! ahihihihihi.
Sambahin nyo sila! Char lang! :p
Kitakita sa races at sa cinema! Babuu!
(At, mahal ko kayong lahat! May ganun? hahahaha)
Friday, August 29, 2008
In case you're wondering, buhay pa ang princhecha, nakakatakbo pa, thank you girls very much!
Tuesday, August 19, 2008
Wag si Bakla?
A few days ago, I met with two of my friends (one girl, the other a PLU who just came out to us late last year).
While eating at Green Tomato, our conversation led to Project Runway.
Naturally, I told them who my favorite designers were and also said that I find Eli (which according to the PLU friend is pronounced as ee-lie (parang ilaw na ginawang y yung w) and not Eh-li) cute and is my new crush.
And then he blurted with a little hint of a disgusted tone: "Wag, yun! Wag yun! Baklang-bakla!"
Napataas na lang ang kilay ko, sabi ko: "Oh eh ano naman."
"Tsaka parang jologs daw. Basta sobrang layo nung itsura nya daw sa personal dun sa pictures nya sa net. Nakadate na yun nung friend ko eh. Turn-off daw nung nagkita sila sa personal."
Fine. So bawal na magkacrush sa bakla? Eh hello bakla pare-pareho naman tayong bakla? Sa tomboy nga nagkacrush ako once, sa bakla pa kaya?
Tsaka hello crush lang naman, vahket kelangang gawan ng issue kung baklang-bakla ang isang bakla? At ano kung type nya magpose ng panlalaki sa kanyang mga pictures. Masama?
Pati pa ba naman sa kung sino ang pwede maging crush kelangan may discrimination? Naman. Tigilan ako.
Basta sa akin, ang cute ay cute kahit pa effeminate, straight acting, lalaki, babae o tomboy.
p.s.
Hindi ko na crush si Ee-Lie, hindi dahil sa baklang-bakla sya kumilos sa Project Runway, kundi dahil inaaway nya si sister Veejay! Hmpt! Pero bet ko pa din ang kanyang mga star tats. hihihihihi
Tuesday, August 12, 2008
Hiphop vs Waltz
Why?
Because I only got to see the final half of the musical! (Dammit, the scene I was very much looking forward to seeing, the one when Cinderella is magically transformed into a princess (glittery gown, tiara and all), the pumpkin and rats turned into the carriage and horses, that part I did not get to see!!!!! Imagine my disappointment!)
Why wasn't I able to see the first act?
Because we were sooo late!
And why were we late?
Because someone decided to attend his hiphop class (at 11am-12pm) and then join his classmates eat at a fast food restaurant afterwards (fully knowing that we are seeing the matinee show which starts at 3pm). Anyone would know that this is such a brilliant decision, right?
Afterall, dancing to the groove is way better than watching silly actors (some Tony award winners at that!) dance waltz! Eating chicken joy instead of (for that particular someone) sleeping in your seat with world class performers humming your lullaby.
So yes, attending hiphop classes which are held everyday is a wiser act than being able to watch all of Cinderella (which has Manila as the first leg of the Asian tour which means we are seeing a world premier) that would only run until August 24.
Did I mention that the hiphop classes come in free with gym membership while you actually have to pay for your tickets to watch the play so not missing on a hiphop class is more clever a move than missing half your ticket's worth.
And yeah, I wasn't enraged last Saturday afternoon, I was fucking fuming mad.
======
I am not angry anymore, someone's feeling guilty and texted "I love you so much! Sorry po about the Cinderella. Sorry talaga.". Hope he feels terribly sorry that he'd make up by buying me a ticket to the play so I could see its entirety. hahaha.
Saturday, August 9, 2008
Remember me this way
...Every now and then, you'll find a special friend...
Alam nyo ba yung pag may narinig kang kanta or naamoy na scent, suddenly you are taken somewhere, sometime in the past?
Naganito ako nung isang araw. Habang papunta sa office, pinatugtog sa radio yung kantang Remember Me This Way. Bigla-bigla na lang at walang pasabi, memories of the past came flooding in. (Time space warp, ngayon din!)
Baguio. First year high school. Isa ako sa representatives ng aming school sa isang convention.
Kasama din namin nun si Kuya Jerome. Ang hearthrob sa school namin. Na di naman kataka-taka dahil siya ay matangkad (mga 5'8"-5'9" na ata sya, 4th year pa lang sya nun), matipuno, maputi at higit sa lahat gwapo (younger version sya ni Richard Bonnin). Lahat ata ng mga babaeng representatives (ng school namin, kahit pa yung mga taga-ibang school, pati na ata yung isang madre na adviser ng isang delegation ay may crush sa kanya).
Anyway, ipinapanguna ko na na hindi ko sya naging crush. Wala pa sa bokabolaryo ko nun ang mga crush-crush.
So ano ang kwento? Oh well, si Kuya Jerome ay naging Big Brother sa akin through out the weeklong national seminar-workshop-convention. Sya ang naging protective kuya sa akin, marahil dahil sa ako ang pinakabata (at pinakamaliit) na kinatawan dun.
Sya ang taga gising ko pag mag-aalmusal na. Sa gabi bago matulog, itatanong nya kung nagugutom ba ako, na sa mga gabing medyo nagugutom ako, bibilhan nya ko ng snacks.
May dalawang pagkakataon din na pinasan nya ko sa kanyang balikat. Una dahil napagod ako ng husto ng mapagtripan naming maglalakad-lakad/magjogging isang umaga, pinasan nya ko pabalik. Ikalawa eh nung namasyal kaming lahat sa park.
Pag ang mga upper classmen ay nagsisimula nang magusap ng usapang kabastusan, he is quick to point out na meron daw bata. Pero mayamaya eh itutuloy din naman nila ang kanilang kwentuhan.
On the two occasions that they snuck out to have boy's-night-out, inihatid nya ko sa girls' quarters para dun matulog at sinundo na lang nya ako ulit pagbalik nila.
Nung sumama kaming magghost hunting, isa sya sa mga nangungunang manakot, pero he always made sure that I was beside him, checking if I was alright.
Kami ang magkatabi sa bus pauwi para daw pag inantok ako, tulog lang daw ako sa kanya para hindi ako mahirapan. Nakatulog nga ako all the way from Baguio hanggang sa may amin.
Kuyang kuya talaga sya sa akin nun.
Pagkatapos ng convention, balik na din kami sa aming dating buhay. Ako ang pabibong first year, siya ang hearthrob na forth year. Kapag nagkikita kami around the campus, usual lang na hi at hello at kamusta. In short, di kami naging close after.
After nya maggraduate, sa Manila sya nagcollege. Kaya lalong hindi na kami nagkitang muli. I couldn't even recall now kung kelan kami huling nagkita.
Ang tagal na nga din mula ng huli ko syang maalala. Neto na lang ulit, ng marining ko ang:
...Remember me this waaaay, Remember me this way....
=============================
Never na kaming magiging close ni Kuya Jerome. Never ko na din sya makikita ulit. A few years back, he figured in a horrible motorcycle accident in which he died on the spot. Nalibing na nga lang sya nung mabalitaan ko, hindi man lang ako nakabisita sa burol.
Perhaps Kuya Jerome wanted me to remember him as my sweet, caring and thoughtful kuya. And perhaps he wanted the song to be a means for me to think about him from time to time.
So yes, Kuya Jerome, wherever you are, I will remember you that way...
Thursday, August 7, 2008
Break Muna - Apat
O cge na, ayaw ko naman magkadry spell for 4 years kaya Gibo eto na ang sagot sa tag mo, hmpt!
Instructions: What you are supposed to do...and please don't spoil the fun...
Click copy/paste, type in your answers and tag four people in your lists!
Don't forget to change my answers to the questions with that of your own
(A) Four places I go over and over:
bahay, office, gym, malls (shang/gb)
(B) Four people who e-mail me regularly:
berks (email chat), running group (email chat), friendster (friends' updates), lina (jobstreet)
(C) Four of my favorite places to eat?
Mang Jimmy's, Green Tomato, kila Mama, kila Lola (pareho silang masarap magluto, as in!)
(D) Four places you'd rather be?
Beijing (for the olympics), Paris, New York, not here
(E) Four people I think will respond:
susme lahat na ata na-tag na, bagal-bagal kasi sumagot! ayaw ko ng tagtuyot!
Hoy Mrdj. sumagot ka! Nathan ikaw din! Bebs at Alex, natag din kayo. hihihi
(F) Four TV shows I could watch over and over:
Project Runway, America's Next Top Model, Grey's Anatomy, Ugly Betty
Note: Bad sex for 4 years for those who will break the chain. Ouch.


