Showing posts with label etching lang. Show all posts
Showing posts with label etching lang. Show all posts

Thursday, June 18, 2009

Libreng gamot from yours truly

Pagpasensyahan po ang aking matagal na pagkawala. Akala ko naisuka ko na lahat ng ampalaya sa sistema ko, hindi pa pala. Hindi pala ganun kadali malimot ang limang taong pagsasama. At hindi rin pala mabuti na hindi ilabas ang galit kasi nakakaloka.


Buti nakahanap ako ng paraan para unti-unting ilabas ang bitterness and at the same time makatulong pa sa kapwa (breakthrough in medicine itu!)

1. Kumuha ng isang tasang mainit na tubig.
2. Kawkawin at haluhaluing mabuti ang tubig gamit ang mga daliri.
3. Dasalan ng orasyon, murahin ang ex, mas malutong na mura, mas maigi.
4. Pag naging kulay tsaa na ang tubig, ready na ito para ipainom sa pasyente. Mabisang gamot sa diabetes.
5. Tawagin nyo na akong charantia.


Kung gusto nyo ng libreng gamot na ito, magmadali at kontakin ako now na. Malapit na kasi magexpire at maubos ang pait, salamat naman! (Indication: nakapagsulat na ulit ako! :p sana magtuloy-tuloy na, masaya na ko kahit sa once a week na post).

Saturday, November 15, 2008

Si Angelina at si Yaya - Ang Ballet at Jazz class

Angelina: Yaya, attend tayo ng ballet at jazz class tomorrow. Then let's have dinner. Para sabay na din tayo pauwi.

Yaya: Ok.



(Kinabukasan)

Angelina: Yaya don't forget our ballet and jazz class later ha?

Yaya: Naku, hija, baka sa jazz class na lang kita masabayan. Di pa kasi tapos yung mga labada ko eh, tas magpaplantsa pa ko mamya. Pero sure yun, pupunta ako sa jazz lessons.



(A little later)

Yaya: Asan na kaya yung batang yun? Wala naman dito sa dance studio. Naku naman.



Yaya sa text: Angelina, asan ka?

No response.



(After ng jazz class)

Yaya sa text: Akala ko ba sabay tayong magcaclass? Ba't wala ka? Tsaka kala ko ba sabay tayo magdidinner? Tsaka sabay na tayo uuwi?

No response.



Yaya: Hay naku magkadaan nga muna sa Tapsilogan bago umuwi.



(Sa bahay)

Yaya: Bata, ka ba't wala ka kanina? At hindi ka pa nagreply sa text ko sayo. Akala ko ano na nagyari sayo.

Angelina sa text: Yaya, sorry, my phone is on silent mode eh. Di na ako nagclass, nagyaya kasi yung ibang classmates na magmall eh. So sumama na lang ako sa kanila.

Yaya: Jaskeng bata to! Sana sinabi mo agad, di ko pa tuloy natapos yung mga plantsahin ko.

Angelina: Sorry na nga eh!

Yaya: Oh eh ano pang magagawa ko? Aruy, ansakit tuloy ng mga balakang ko! Asan na ba yung Salonpas?



(Pag-alis ni Yaya)

Angelina: You're such a major loser talaga Yaya! Eh nde naman talaga ako sumama sa mga classmates ko magmall eh! Duh. Hahaha. Yung bagong classmate na si Kenneth kaya ang kasama ko!Ha. Ha. Nagchachacha kaming dalawa. It's so fun. And exciting!



Yaya: Aba putris na bata ka, naririnig pa kita uy. Dahil dyan, maligo ka magisa mo. Kaw na din magluluto ng pagkain mo araw-araw. Matuto ka na din maglaba at magplantsa, dahil lalayasan na kita.



Angelina: Yaya, joke only. Sorry na, pretty please, please, please (bats her eyelashes).





(hango sa totoong mga pangyayari.)

Thursday, August 7, 2008

Break Muna - Apat

O cge na, ayaw ko naman magkadry spell for 4 years kaya Gibo eto na ang sagot sa tag mo, hmpt!

Instructions: What you are supposed to do...and please don't spoil the fun...
Click copy/paste, type in your answers and tag four people in your lists!
Don't forget to change my answers to the questions with that of your own

(A) Four places I go over and over:
bahay, office, gym, malls (shang/gb)

(B) Four people who e-mail me regularly:
berks (email chat), running group (email chat), friendster (friends' updates), lina (jobstreet)

(C) Four of my favorite places to eat?
Mang Jimmy's, Green Tomato, kila Mama, kila Lola (pareho silang masarap magluto, as in!)

(D) Four places you'd rather be?
Beijing (for the olympics), Paris, New York, not here

(E) Four people I think will respond:
susme lahat na ata na-tag na, bagal-bagal kasi sumagot! ayaw ko ng tagtuyot!
Hoy Mrdj. sumagot ka! Nathan ikaw din! Bebs at Alex, natag din kayo. hihihi

(F) Four TV shows I could watch over and over:
Project Runway, America's Next Top Model, Grey's Anatomy, Ugly Betty


Note: Bad sex for 4 years for those who will break the chain. Ouch.

Thursday, July 31, 2008

mga kaekekan ni Fiona sa premier epi ng prp

Frustrated fashion designer ako (pasensya na pagiging model lang ang kinaya kez). Kaya naman super super favorite ko ang Project Runway! At super natuwa ako ng nalaman kong meron na din neto sa Pilipinas kong Mahal!

Dahil nasa office pa ko, hindi ko napanood ang premier telecast ng runway pinas. Ngunit datapwat subalit, hindi ko maaring mapalampas itey. Kahit pa alas 3 ng umaga na ko umalis sa trabaho at alas singko na natulog, mega wake up early little susie pa din ang Fiona para mapanood ang 9am na replay.

Hindi naman ako nageexpect na kasing lebel ng mga chuchu sa US at iba pang bansang naglalabas ng naturang franchise, pero naman! Naman. Bakit naman ganun ang production ng Philippine version? Ang lighting ha, susme. Pati sound. O cge isama mo na din ang editing. Kalurki. Pero cge na nga, since taghirap naman, papatawarin na. Pero sana naman sa mga susunod na episodes, eh medyo mas maayos na.

Anyhoo, o cge na nga pretend na lang ako na naaliw ako na imbes na champagne sa welcome toast eh buko! Juice ko pow! Pero cge na nga, at least nagtry na maginject ng mga tatak Pinoy tulad ng jeepney at native basket, kaya clap, clap, clap na din!

Natuwa naman ako sa paghohost ni Teresa, naaliw din ako kay Jojie. Yung mga judges, medyo safe, nde pa nagtataray. Tsaka yung iba nilang comments parang narinig ko na somewhere. hihi At ang bow tie ni Ateng Rajo, wala ako ma-say.

Sa mga kontestants naman at sa mga gawa nila for this week's challenge. As I expected, eksena ang mga designs nila Aries (kahit pa may mga stray na sinulid sa dulo ng skirt na gawa nya) at Veejay (na shang bet ko so far sa contest).

Medyo gets ko ang poot ni Eli sa dalawa, dahil oo nga naman, give chance to others naman daw, kasi nagkakapangalan na nga naman daw yung dalawa. (Nde ko man bet na manalo si Eli, sana magtagal pa sya sa show kasi bet na bet ko sya at ang kanyang tattoo. Gosh, may bago akong crush. kilig.)

Nagustuhan ko din ang mga gawagawaan nila Ivan (T'voli ekek), Lord (Japanese street ekek), Jaz (Asian ekek) at pati na din yung kay Mara (Icelandic art deco ekek). Kanya-kanyang trip lng yan. hihihi.

At ang mga ligwak naman sa aking sophisticated sense of style (echos. may ganun pang nalalaman!) ay ang mga kuningkuning nila Philipp, Lorymer at Manang Loida (na eventually, syang napaalis).

Inabangan ko pa talaga kung ano ang magiging Pinoy version ng "auf wiedersehen" ni Ateng Heidi, pero ang huling sinabi lang ni Teresa ay "ingat". Hindi ko alam kung yun na yun or makakapagisip pa sila ng mas maganda at catchy na phrase. Sakit sa ulo ah, nagamit na ni papi John Lloyd yun eh!

Matapos kong chakachakahin ang first episode, gigising pa ba ako ng maaga para makanood ng Project Runway? Naman!

Syempre oo! hahaha Sabi nga nila the more you hate, the more you love di ba? hahahahaha Ba't ba! Excited na ko sa next episode!!!

Monday, July 14, 2008

No doc, I Can't Say AHHHHHHH.

I have a mouthsore. I have a monstrous mouthsore! I swear ang laki talaga! At sobrang sakit!

At dahil dun, I'm on a forced diet dahil effort ngumanga! Effort din ngumuya. At sobrang sakit pag nalalagyan ng rice yung singaw!

Bumili na ko ng Betadine gargle. Nagmumumog na din ako ng warm water na may asin. Lagi din ako sa clinic para magpapahid nung gamot na sobrang hapdi. Pero hindi naman lumiliit yung sore!

Ang arte ko din magshalita kashe di ke nge mashedong mabuke yung mouth ke.

Sabi nung nurse, kulang daw ako sa Vitamin C, so magtake daw ako ng 1000mg para mas mabilis gumaling. Tinanong ko kung gano katagal usually tumatagal yung mga ganitong singaw. 1-2 weeks daw!

Pakshet! So ibig sabihin, 1.5 weeks pa akong hindi makakakain ng mabuti. 1.5 weeks pa kong nde makakapagsalita ng maayos. At higit sa pakshet na lahat, 1.5 weeks din na nde ko pwede ichuva si Jimboi! Parusa ito, parusa!!!! I hate it!

Friday, June 27, 2008

Baby, I Want One Too!

Lately, I'm crushing on hot daddies na may karga-kargang babies.












Pati na din yung may mga tulaktulak na stroller.

Basta may kasamang baby, hot! :) Hehe












Ewan pero parang bigla na lang naging appealing sila sa tingin ko. Ang cute lang tignan, nakakadagdag sa macho factor. Basta, hindi ko maexplain pero parang may added astigin factor pag may bitbit na baby.



Kamakailan lang din ay isinilang ang first ever prinsesita ng barkada! Ang cute-cute! Buti na lang nagmana sa kanyang Tita Fiona! :p I bet beauty queen-model din sya paglaki nya! Hihihihi



At nung isang araw, nanonood kami ng TV ni Jimboi nang may mga nafeature na mga babies! :)

Sabi nya, "Ang cute-cute naman! Parang gusto ko na din magkababy!"

Sabi ko naman, "I want one too!!! Ready ka na ba? Ano, ititigil ko na ba ang pagtake ng pills?"

Nung gabi ding yun, nitry nga namin gumawa ng baby. Di ko lang sure kung gano pa kami katagal magtatry!

Tuesday, June 24, 2008

Boy That's Weird

I got tagged by Mugen. The rules are: This game starts with 6 weird things about you. People who got tagged need to write a blog entry of their own 6 weird things. They should state this rule clearly as well. At the end of the list, tag 6 people. Don't forget to inform each newly-tagged person by posting a comment on his/her own blog.

Since I don't consider myself weird I'm having a rather difficult time thinking what to write. (Yeah right! Actually, I'm having difficulty which six among the 100-weird-things-about-me I should include here. hahaha)

Here goes:

1. I love reading things most people don't even care about- labels, instructions, notices, warranties, receipts, manuals (oh I love reading manuals!!!) - everything! Fine prints and all.

2. I arrange paper bills on my wallet according to value and each "face" faces the same side.

3. I couldn't sleep without the electric fan on - even if it there's a storm. I'd have it on even if I am shaking with cold and am wrapped in blanket!

4. Sometimes when I am walking, I count my steps. Or if there are tile patterns, I'd secretly play step-no-step-yes. Or sometimes I play follow the line (stepping on/following the cracks or lines on the floor/road. Silly, I know but hey it's fun to be a child sometimes!

5. I love to sing but I really find it hard to memorize the lyrics. So much for auditioning for PDA or Idol. When I want to sing along with what's playing, I use google. If a computer is not available, then I just hum silently the parts I don't know then sing out loud the parts that I do know (usually the chorus hahaha). But I don't like "inventing" my own lyrics (and hate it when I hear people do. hihihi).

6. I tend to notice a lot of the things that are happening around me. It's not my intention to eavesdrop on other people's conversations, say in a restaurant or in puvs or in the mall, but I usually pick up what they're talking about even if I am in a conversation with someone. I don't really intend to listen in, but I do hear. (Oh, I'm such a chismosa.)





(I'm not tagging anyone but people, feel free to share your weirdness! It's good to know that some other individuals are in one way or another odd too!)

Thursday, June 19, 2008

The Case of the Lost Sibuyas

Incoming: May prob b?

Outgoing: Wla nmn. Kaw may prob ba?

Incoming: Wla din. Para kasing u seem different.

Outgoing: Ah ok. Baka kulang lang sa sex.

Outgoing: Yung iba kc dyan kung saan saan chinachannel yung energy, wla 2loy natitirang drive sa partner nya.

Incoming: Alam ko nmng guilty ako dyan. but it doesn't mean i dont love u anymore. Sori.

Outgoing: Ah ok. so does it mean that u'd rather have it with ur online/offline chums?

Incoming: Offline? Hell no. Sori if my online activity is affecting us already.

Outgoing: It's ok. U do ur thing. Maybe i'd just have to find mine.


Two days of silence...


The sibuyas was found, two weeks after being lost, and the recipe is complete again.

Tuesday, June 10, 2008

Dalawang Mukha ng Gaylove

Sabado, tanghali
sa isang noontime show



May girlfriend?
Dalawa po eh. hahaha. Isang babae, isang lalake.
Hahahaha. Cge batiin mo na yung mga karelasyon mo.
Hi Jam.
Yung babae yun?
Opo.
Anong gusto mo sabihin sa kanya?
I love you!
Eh sa isa.
Hi Rommel. Kahit wala tayong pera, ok lang yun.
Alam ba ng girlfriend mo na may isa pa?
Hindi.
Pano na yan?
Eh bahala na si batman.
Anong sasabihin mo sa kanya pag nalaman nya to.
Bahala na sya kung pano.
Eh kung papapilin ka, sino pipilin mo?
Si Rommel po, kasi matagal ko na s'ya nakasama eh.



Sa parehong Sabado, hapon
sa isang fastfood chain


Ang hirap humanap kaya ng trabaho.
Gusto mo madali? Humanap ka na lang ng bakla.
Gagu.
Hahaha. Oo kaya. Madali lang di ba, kung kaya mong masikmura yun.
Ulol.
Hahaha. Oo, syotain mo lang, pachupa ka, tas hingan mo lang ng pera! Si Bam, syotain mo.
Gagu, eh wala din namang pera yun, baka makihati pa yun sa baon ko!
Hahaha, tanga, ba't mo naman bibigyan! Dapat yung mga bakla yung magbibigay sa'yo!

Monday, March 31, 2008

1 month, 20 posts

Aba, aba, aba! Isang buwan na pala akong blogger!!! =p Happy monthsary to me! ahihihi

Usually, di ko pinapansin yang mga monthsary-monthsary chuvaness na yan. Kasi ayaw ko ng shortaym. Gusto ko parang Motolite, tested na pangmatagalan, pang longtime kung baga. Parang sa love o sa work. Kaya sa anniversaries ako mas nagtutuon ng pansin!

Pero naman! 1 month na akong blogger! Naman?! hahahaha. (baliw-baliwan?!) Di naman ako masyado masulat, kaya dati iniisip ko kung anong magiging laman ng blog ko, baka wala din ako maisulat, so baka days lang ang itagal, wala din! Ahihihihi. At hindi din ako masyado techie. So malay ko ba kung pano magchuva-chuva ng mga kachienes sa blogelya, davah.

Pero after just a month, adik na ata ako sa katol, este, sa blogging. Kahit nasaan, sa cr, sa office, sa kainan, sa kama, sa sasakyan naiisip ko yung mga topic na pwedeng maisulat. Kahit na sa pagtulog o kahit habang naglaloving-loving nagagawa ko pa ata makaisip ng iboblog. ahihihihi Kung gano ako kaadik sa pagbabasa ng blogs (lahat ng nasa link ko, binibisita ko at least twice a week. Madalas din ako magbloghopping. Anong magagawa ko, natural na chismosa akez!), ganun na din ako kaadik magblog. Although syempre nalilimitahan ako ng aking powers sa pagsulat. So wish ko man magcreate ng plentitious na posts, di naman kinakaya ng jutakers kez. Naku, ayoko namang magpilit baka tumulo na parang uhog ang brain ko noh? ewwness!

I know madami pa akez lalafanging bigas bago ko mareach ang level ng ilan sa mga blogging idols kez. Mahaba-habang lakaran pa iyon, pero sana someday, I'll get there too. Pero ok lang din sa akin kahit di na ako umabot sa puntong yun. Basta ba may isang tao ako na napangiti, solb na akey!

Anyway, (showbiz mode muna) I would like to take this opportunity to thank all of you people who visited this blog! :) You inspire me to write more. Maraming salamat sa inyo na bumalik (at sa onting bumabalik-balik), sa inyo na nakiblah,blah, sa inyong lahat! Super mega tenx, tenx!!! ilabsha,olovyou! Mwah, mwah, mwah!

Here's to more posts ahead! Yun na! Bow.

Friday, March 28, 2008

Lab Leyters Por Pionuh

Nde masyadong romantiko itong si Princhepe Jimboi. Katunayan nga, pag lumalabas kami, mukha lang kaming mag-lola. O di kaya parang alalay at amo. Hihihi. Basta parang ganun, nde masyadong pinoy dream academy.

Kaya sa mangilan-ngilang pagkakataong makalaklak ng sampung tasang asukal ang lolo mo para magkaron ng konting kaswitan sa katawan eh maihi-ihi na ako sa kilig. hihihi

Tulad na lang kanina at kahapon. Lumaklak ata ng arnibal. Ganitey kasi yun, this past week eh hapon na aketch pumapasok sa oficina. Naturalmente, paguwi ko ng madaling araw eh malakas nang naghihilik ang Princhepe at binababoy nya na ang beauty ko sa kanyang panaginip. Hihihii.

Nung Jueves ng madaling araw, pagjuwi ketch, aba, aba, aba, may na sight-aloo akez. Note Lableyter para sa akin fresh from the mailbox! Ahihihihi. Kilignez to the bones ang lola nyo!

Di ko na matandaan kung kelan ako huling sinulatan ng lableyter ni mokong. Parang naaalala ko lang ang sabi eh "nasa akin yung teddy bear mo, kung gusto mo pa syang makita, magbigay ka ng 5000!". Hahaha. So happy aketch na nagsleeping beauty.

Akala ko yun na yun. But wait there's more pa pala! If you call within the next 15 minutes you get another lableyter absolutely FREE. Yes, you heard it right, absolutely FREE! =) hihihi Paguwi ketch kaninang madaling araw, may sulat na naman akey. Hihihihih. Taray! Haba ng hur!!! Hihihihi.

Eto feeling ko lang ha? Feeling ko lang naman, cguro namimiss nya ko. hihihihihi. effective palang pangpamiss ang afternoon shift. Lagi na lang ako magpapanghapon, para lagi akong may lableyter. Ahihihihi. Hayyy, kilig!

O sya, sya, sya wag mainip iseshare ko din naman sa inyo yung sulat syempre. Wait a minute naman, hahanapin ko pa sa basura, chos. hahaha =p

Wednesday, March 19, 2008

Untitled

chains.
my heart is chained, enslaved by emptiness
abyss.
my soul is trapped in a vast bottomless crevasse
darkness.
my eyes somber, murky and can't see no sun
no picturesque world, no vivid imagery, no variegated visage
no moons nor stars, no nothing
just bleak dreary dusk
gagged.
my mouth is shunned, hushed, silenced
i'm choked, nauseated, i'm full, about to surge but can't
wings.
would i be able to break away, and fly, and be free
(i'm gay) i should be
gasp.
air. struggling for breath. must muster enough strength
to shatter these bonds that hold me back
must kindle enough courage
to stand up and say i'm me, i'm free
i can rest now and be happy...





(something i wrote back in college. stumbled upon it this morning when i was looking for something and found my old notebook instead.)

Saturday, March 15, 2008

Clueless

We are oblivious to the events that would transpire tomorrow. We often have dreams and visions, but these could all just pop and vanish in thin air much like bubbles. We oftentimes make wishes but then again, when they do come true we suddenly have a change of heart and we feel the emptiness all over again.

Sometimes, we are afraid to leave, afraid of taking one more step. More often than not, it is because we are afraid of the uncertainty that lies ahead. We wouldn't want to abandon our comfortable abode to move towards unfamiliar turfs. We hate the feeling of departing and the feeling of leaving someone behind. The only thing that we could hold on to is the fact that we would have someone to come home to. That there is someone waiting for us to return. And that we have gathered enough memories that would last us through...


...until we're home again. Certain.




I am so clueless as to why am I writing this.



_________________________
PTP: Are you sometimes clueless too?

Wednesday, February 27, 2008

Princhecha Who?

Sinetch nga ba si Fiona? Wait, parang ang weird naman to refer to myself in the third person. Again, Again.

Sino nga ba ako? Ang totoo nyan, hindi ko alam ang sagot. Gusto ko lang magpakaphilosophical kaya ko tinanong to. hihihi

Seriously though, hindi ko alam kung pano ito sasagutin. The reason I posted this question is so I could intoduce myself to all of you. I would want to paint a pretty picture of myself, so you'd have an idea of who I am. So I'll try to brush some color, layer by layer, until the blank canvas is filled with various hues and shades. :)

So first things first.

Police Clerk: Pangalan.
Princhecha Fiona: Fiona Wilhelmina Camilla po.
PC: Edad
PF: 18 po.
PC: Edad.
PF: Early 20s po. (titingin ng masama si PC). Fine, mid-20s po.
PC: Kasarian.
PF: Heller, di pa po ba obvious.
PC: Sumagot ka na lang ng madali tayo.
PF: Di tiyak.
PC: Tirahan.
PF: Land Far, Far Away po.
PC: May asawa?
PF: Medyo.
PC: Pangalan ng asawa.
PF: Jimboi Archuleta
PC: Favorite Color.
PF: Shades of Blue. Slumbook?
PC: Nangengealam ka?
PF: Ba't po ba ko nandito?
PC: Ewan ko sayo, ano bang kaso mo?
PF: Ewan ko din. Krimen na ba ngayon ang maging maganda? Eh ang maging bakla? Nde naman di ba? Di ba? Ateh, I.... did not kill.... anybody!!!