Last day ni Madam nung Friday. Higit tatlong taon ko na syang katrabaho - teammate ko pa mula sa previous account ko. Nang napromote sya at nalipat sa ibang department, sumunod din ako makalipas ng ilang buwan. Naging partner (slash-amo, aheheheh) ko sya sa halos lahat ng accounts na hawak ko.
Sa unang tingin animo tahimik lang si Madam. Medyo may pagkamataray. Pero mabait din naman. Magaling sya humirit, ultimo boss tinatalo. ahihihihi. At higit sa lahat lagi syang chill lang.
Next week, goodbye na sa pagiging dalaga si Madam at goodbye na din sya sa Pinas. Nakakalungkot na mawawalan ako ng teammate at partner, pero ok lang din naman kasi alam ko naman na di sya mawawala bilang kaibigan.
Madam - goodluck sa wedding preps. Sana maayos na ang lahat bago ang the big day (sabi sayo wag ka masyado chill eh? Chill pa ba ngayon? hihihihi). Enjoy your AU honeymoon! :) At pagnamiss mo kame pag nasaSing ka na, lagi ka lang basa ng blog. ahihihihihi. At magblog ka na den. Pag bored ka na sa mga gawaing bahay, magonline ka lang! :p Best wishes sa iyo at congrats kay Papa J! See you soon pretty bride! Chill lang! Mwah!
Tuesday, April 15, 2008
Si Madam
Monday, March 31, 2008
1 month, 20 posts
Aba, aba, aba! Isang buwan na pala akong blogger!!! =p Happy monthsary to me! ahihihi
Usually, di ko pinapansin yang mga monthsary-monthsary chuvaness na yan. Kasi ayaw ko ng shortaym. Gusto ko parang Motolite, tested na pangmatagalan, pang longtime kung baga. Parang sa love o sa work. Kaya sa anniversaries ako mas nagtutuon ng pansin!
Pero naman! 1 month na akong blogger! Naman?! hahahaha. (baliw-baliwan?!) Di naman ako masyado masulat, kaya dati iniisip ko kung anong magiging laman ng blog ko, baka wala din ako maisulat, so baka days lang ang itagal, wala din! Ahihihihi. At hindi din ako masyado techie. So malay ko ba kung pano magchuva-chuva ng mga kachienes sa blogelya, davah.
Pero after just a month, adik na ata ako sa katol, este, sa blogging. Kahit nasaan, sa cr, sa office, sa kainan, sa kama, sa sasakyan naiisip ko yung mga topic na pwedeng maisulat. Kahit na sa pagtulog o kahit habang naglaloving-loving nagagawa ko pa ata makaisip ng iboblog. ahihihihi Kung gano ako kaadik sa pagbabasa ng blogs (lahat ng nasa link ko, binibisita ko at least twice a week. Madalas din ako magbloghopping. Anong magagawa ko, natural na chismosa akez!), ganun na din ako kaadik magblog. Although syempre nalilimitahan ako ng aking powers sa pagsulat. So wish ko man magcreate ng plentitious na posts, di naman kinakaya ng jutakers kez. Naku, ayoko namang magpilit baka tumulo na parang uhog ang brain ko noh? ewwness!
I know madami pa akez lalafanging bigas bago ko mareach ang level ng ilan sa mga blogging idols kez. Mahaba-habang lakaran pa iyon, pero sana someday, I'll get there too. Pero ok lang din sa akin kahit di na ako umabot sa puntong yun. Basta ba may isang tao ako na napangiti, solb na akey!
Anyway, (showbiz mode muna) I would like to take this opportunity to thank all of you people who visited this blog! :) You inspire me to write more. Maraming salamat sa inyo na bumalik (at sa onting bumabalik-balik), sa inyo na nakiblah,blah, sa inyong lahat! Super mega tenx, tenx!!! ilabsha,olovyou! Mwah, mwah, mwah!
Here's to more posts ahead! Yun na! Bow.
Tuesday, February 26, 2008
Princhecha Fiona - opening speech
Ladies and gentlemen and everyone in between,
Ako po si Fiona. Lalaki Babae halamang dagat. Dugong bughaw berde. Anak. Kapatid. Kaibigan. Kabarkada. Ka-ibigan. Kakulitan. Kapitbahay. Katrabaho. Kapamilya. Kapuso. Kachorvahan. Higit sa lahat, Princhecha.
Inaanyayahan ko kayong tumuloy, bumisita at makisilip sa Land Far, Far Away.Noon pa man ay pangarap ko nang lumikha ng isang tala-arawan (of sort), humabi ng mga titik, lumikha ng istorya. Kung saan sisikapin ko kayong pangitiin, pasayahin, kulitin, kilitiin. Kung minsan siguro, paluhain o paiyakin. Tangka kong makapagbahagi ng kaalaman/kuro-kuro/komento, makapaghinga ng saluobin, makapaglabas ng sama ng loob/galit/takot/kasiyahan/whatnot. (Putek, para yatang ang hirap nun. Pwede ring nde pla, masyado ata akong ambisyosa, so deadma na lang. Strike out please Erase, erase.)
Try ko na lang ubusin ang inyong pasensya/oras/lakas/natitirang katinuan.
O xa, tama na ang dada (as if nde puro ka-dadaan ang magiging laman neto noh?)
Ang gusto ko lang naman sabihin talaga ay:
Mabuhay! Tuloy po kayo! :)
p.s. magulo ako kausap, bobo ako magsulat. pasensya na maganda lang. so kung keri lang sayo, go lang - wag mo lang sabihin di kita binalaan. hihi.

