Tuesday, February 26, 2008

Princhecha Fiona - opening speech

Ladies and gentlemen and everyone in between,

Ako po si Fiona. Lalaki Babae halamang dagat. Dugong bughaw berde. Anak. Kapatid. Kaibigan. Kabarkada. Ka-ibigan. Kakulitan. Kapitbahay. Katrabaho. Kapamilya. Kapuso. Kachorvahan. Higit sa lahat, Princhecha.

Inaanyayahan ko kayong tumuloy, bumisita at makisilip sa Land Far, Far Away.

Noon pa man ay pangarap ko nang lumikha ng isang tala-arawan (of sort), humabi ng mga titik, lumikha ng istorya. Kung saan sisikapin ko kayong pangitiin, pasayahin, kulitin, kilitiin. Kung minsan siguro, paluhain o paiyakin. Tangka kong makapagbahagi ng kaalaman/kuro-kuro/komento, makapaghinga ng saluobin, makapaglabas ng sama ng loob/galit/takot/kasiyahan/whatnot. (Putek, para yatang ang hirap nun. Pwede ring nde pla, masyado ata akong ambisyosa, so deadma na lang. Strike out please Erase, erase.)


Try ko na lang ubusin ang inyong pasensya/oras/lakas/natitirang katinuan.

O xa, tama na ang dada (as if nde puro ka-dadaan ang magiging laman neto noh?)

Ang gusto ko lang naman sabihin talaga ay:


Mabuhay! Tuloy po kayo! :)



p.s. magulo ako kausap, bobo ako magsulat. pasensya na maganda lang. so kung keri lang sayo, go lang - wag mo lang sabihin di kita binalaan. hihi.

No comments: