Showing posts with label lists. Show all posts
Showing posts with label lists. Show all posts

Monday, February 2, 2009

Crosses Fingers

Short post lang. (*Updates ko yung mga nakaitalize...)


Since stop right now na ko sa pagdwell sa past at may-I-erase-erase-erase na ako sa bitterness, itutuon ko na lang ang pansin ko sa mga bagay na happy. (talaga lang?!) Haha. And I am excitedly looking forward to the following:


@ Trip to Cebu (February) - budget cut due to recession, nde natuloy!
@ New Laptop (March) - yehey sa Lifebook S6420
@ DSL connection at home (March) - check sa Globelines broadband
@ Teambuilding at Coron, Palawan (March) - salamat at natuloy naman, winner!
@ A hefty annual increase (April) - may increase pero nde hefty... sadness.
@ Adventures at Romblon (April) - nde natuloy
@ Trip to El Salvador and the US (3rd or 4th quarter) - budget cut due to recession, nde matutuloy!
@ Savings account for Travel Fund (hmmmm....) - goodluck!
@ Prospect of a New Love (on-going, haha) - no comment... :p
@ More blog posts (year round) - i'll try... pero goodluck!




Hopefully, macheck silang lahat, para fierce! :p



(Next post, The Sagada-Batad Challenge.)

p.s. nakalimutan ko sabihin na karamihan sa mga nasa listahan ay thank you po, officina (like the laptop and the trips to cebu, coron and the US.) ahihihihi

Thursday, August 7, 2008

Break Muna - Apat

O cge na, ayaw ko naman magkadry spell for 4 years kaya Gibo eto na ang sagot sa tag mo, hmpt!

Instructions: What you are supposed to do...and please don't spoil the fun...
Click copy/paste, type in your answers and tag four people in your lists!
Don't forget to change my answers to the questions with that of your own

(A) Four places I go over and over:
bahay, office, gym, malls (shang/gb)

(B) Four people who e-mail me regularly:
berks (email chat), running group (email chat), friendster (friends' updates), lina (jobstreet)

(C) Four of my favorite places to eat?
Mang Jimmy's, Green Tomato, kila Mama, kila Lola (pareho silang masarap magluto, as in!)

(D) Four places you'd rather be?
Beijing (for the olympics), Paris, New York, not here

(E) Four people I think will respond:
susme lahat na ata na-tag na, bagal-bagal kasi sumagot! ayaw ko ng tagtuyot!
Hoy Mrdj. sumagot ka! Nathan ikaw din! Bebs at Alex, natag din kayo. hihihi

(F) Four TV shows I could watch over and over:
Project Runway, America's Next Top Model, Grey's Anatomy, Ugly Betty


Note: Bad sex for 4 years for those who will break the chain. Ouch.

Thursday, May 1, 2008

Filmus Adictus List for March and April

1. Juno (GB3)
2. My Big Love (Shang)
3. Sleuth (Trinoma)
4. Step-Up 2 (GB3)
5. Fool's Gold (GB3)
6. Horton Hears a Who (GB3)
7. Shutter (GB3)
8. Over Her Dead Body (GB3)

Friday, March 14, 2008

Makuha ka sa tingin!

Dahil pelikula at sine na din naman ang naging topic ko sa dalawang posts nagyong linggo, why not itodo na naten noh?

Ito ay para sa kanilang mga pasaway na manonood ng sine. Kung nakamamatay lang ang matalim na tingin, andami ko ng naligwak!

Sinetch nga ba sila?

a. Mga nde nagsisilent ng phone. At nakalevel 5 pa ang call/message alert tone. Anuveh, ilang beses ba kayo dapat paalalahanan na pakisilent ang mga phone nyo. May mga nakapaskil pa sa entrance ng parehong pakiusap. Di naman ganun kahirap magsilent ng nyelpon noh! Kung nagwoworry ka makamiss ng text mssg (as if ganun kaimportante yun na di makapag-iintay), may vibrating alert naman noh! Palibhasa ibang vibrator ang alam mo. hihi.

b. Mga nagta-take ng calls. Isa ka pa. Nakasilent nga ang phone mo, pero hello naman, sagutin daw ba ang tawag? Pwede naman lumabas ka saglit. O kaya kahit sa cr mo yan sagutin. O basta bumulong ka na lang. Keri na yun. Basta wag naman: "HELLO! HELLO? WAIT LANG NASA SINE AKO. DI KITA MARINIG! ANO YUN? HELLO? HELLO. TEKA ANO KAMO." Naman. Nakatingin na sayo lahat ng tao.

c. Mga nagkukuwentuhan ng kung anik-anik. In full volume, sound effect and all. Wala akong pakialam kung may boylet na si Mercy o kung san man sa abroad si Lucio. Heller, pwede naman kayo sa bahay magchismisan noh? Or sa coffeeshop. Pwede rin sa library, basta wag dito. Hindi ako nagbayad ng tiket para sa inyong istorya, kya please lang, syatap!

d. Mga naninipa ng upuan ng may upuan. Ano bang problema? Bat kelangan manipa? Di ako makaconcentrate sa panonood ko noh. Eh kung ikaw kaya sipain ko, like mo?

e. Mga lovebirds na daig pa ang mga manok panabong kung magtukaan. Nakakadistract kayo! Mamaya na yan, pagtapos ng pelikula. Di ko kayang pagsabayin ang panonood ng dalawang eksena. hihihi.

f. Mga narrators. Ayan na, naku, bilis takbo, hahabulin ka na! Naku nasa likod mo! Nakita mo yun, sinampal nya si Carmen, naku Carmen sampalin mo din! Parepareho tayong nanonood ateng. Di mo na kelangan ulitin yung scenes, nakikita ko. Gusto mo mag-apply as radio talent? Kikita ka pa.

g. Mga spoilers. "Sabi nung frend ko mamamatay din daw yan eh. Ayan na. Dyan daw sya mamamatay." Fiona: tatayo, tatabihan yung spoiler, sasaksakin nya sa puso, sabay sasabihin, "Uhm! Ayan, ikaw ang mamatay, Leche". (violent si bakla pasensya na. hihihi)


Simple lang naman ang dapat gawin eh. Respeto lang sa mga kasabay nyong nanonood. Sit back, Relax and Enjoy the movie! =p

Tuesday, March 11, 2008

Filmus Adictus List for February

Dahil sabi ko nga sa previous post na wla naman akong muwang sa mga merits (both technical and artistic) ng isang film, eh feeling ko wala din ako authority magsulat ng mga reviews. So kebs na lang di ba, nose bleed pa yun eh!

So ang gagawin ko na lang, yaman lang din naman na nag-aadik ako sa panonood, ay ito: I'd come up with a list of movies I have watched for the month. Tas compare notes na lang tayo. hihihi Easy-peasy di ba?

Here goes for February:

1. Alvin & the Chipmunks (Shang)
2. 27 Dresses (GB3)
3. Roxxxane (Gale)
4. One Missed Call (PowerPlant)
5. Goodluck Chuck (Shang)
6. The Eye (Shang)
7. My Bestfriend's Girlfriend (Shang)
8. Jumper (G4)
9. The Spiderwick Chronicles (GB3)
10. Vantage Point (Shang)


Whew, grabe! Height ata ng ka-adikan ko sa sine itong Pebrero. Ang OA. No wonder naubos pera ko! hahaha. For sure sa March mababawasan to. hihihi.