Friday, March 14, 2008

Makuha ka sa tingin!

Dahil pelikula at sine na din naman ang naging topic ko sa dalawang posts nagyong linggo, why not itodo na naten noh?

Ito ay para sa kanilang mga pasaway na manonood ng sine. Kung nakamamatay lang ang matalim na tingin, andami ko ng naligwak!

Sinetch nga ba sila?

a. Mga nde nagsisilent ng phone. At nakalevel 5 pa ang call/message alert tone. Anuveh, ilang beses ba kayo dapat paalalahanan na pakisilent ang mga phone nyo. May mga nakapaskil pa sa entrance ng parehong pakiusap. Di naman ganun kahirap magsilent ng nyelpon noh! Kung nagwoworry ka makamiss ng text mssg (as if ganun kaimportante yun na di makapag-iintay), may vibrating alert naman noh! Palibhasa ibang vibrator ang alam mo. hihi.

b. Mga nagta-take ng calls. Isa ka pa. Nakasilent nga ang phone mo, pero hello naman, sagutin daw ba ang tawag? Pwede naman lumabas ka saglit. O kaya kahit sa cr mo yan sagutin. O basta bumulong ka na lang. Keri na yun. Basta wag naman: "HELLO! HELLO? WAIT LANG NASA SINE AKO. DI KITA MARINIG! ANO YUN? HELLO? HELLO. TEKA ANO KAMO." Naman. Nakatingin na sayo lahat ng tao.

c. Mga nagkukuwentuhan ng kung anik-anik. In full volume, sound effect and all. Wala akong pakialam kung may boylet na si Mercy o kung san man sa abroad si Lucio. Heller, pwede naman kayo sa bahay magchismisan noh? Or sa coffeeshop. Pwede rin sa library, basta wag dito. Hindi ako nagbayad ng tiket para sa inyong istorya, kya please lang, syatap!

d. Mga naninipa ng upuan ng may upuan. Ano bang problema? Bat kelangan manipa? Di ako makaconcentrate sa panonood ko noh. Eh kung ikaw kaya sipain ko, like mo?

e. Mga lovebirds na daig pa ang mga manok panabong kung magtukaan. Nakakadistract kayo! Mamaya na yan, pagtapos ng pelikula. Di ko kayang pagsabayin ang panonood ng dalawang eksena. hihihi.

f. Mga narrators. Ayan na, naku, bilis takbo, hahabulin ka na! Naku nasa likod mo! Nakita mo yun, sinampal nya si Carmen, naku Carmen sampalin mo din! Parepareho tayong nanonood ateng. Di mo na kelangan ulitin yung scenes, nakikita ko. Gusto mo mag-apply as radio talent? Kikita ka pa.

g. Mga spoilers. "Sabi nung frend ko mamamatay din daw yan eh. Ayan na. Dyan daw sya mamamatay." Fiona: tatayo, tatabihan yung spoiler, sasaksakin nya sa puso, sabay sasabihin, "Uhm! Ayan, ikaw ang mamatay, Leche". (violent si bakla pasensya na. hihihi)


Simple lang naman ang dapat gawin eh. Respeto lang sa mga kasabay nyong nanonood. Sit back, Relax and Enjoy the movie! =p

1 comment:

blackdarkheart said...

tawa ako ng tawa sa "Mga spoilers" mo!! kakairita nga sila!