Thursday, March 13, 2008

Dedmatology 101 - Jeepney Edition

Dahil poorita mirasol na aketch, at wala na akey pang-shoxibelle kagabi eh nagbus ako and then nagjeep.

Pagpasok ko sa jeep, may nahagip ang aking peripheral vision. Uy, Cute. So may-I-sit ako sa tapat ni Cutie. Syet! Pak! Cutie turns out to be a classmate (and friend) from highschool sa boondocks (na dito na din ata nagwowork at nakatira). Cguro mga 6-7 years ko na sya nde nakikita.

His face registered the I-think-I-know-you-but-I'm-not-so-sure-let-me-wait-till-you-say-hi-so-I'd-be-sure expression. Buti na lang uno ang grade kez sa Dedmatology 101. Feigning lethargy, wit ko xa pinansin. For the whole 15 minutes of the trip, nagkukunyari talaga ako na di ko xa kilala. Natural, di din nya ko pinansin.

Pop quiz, hotshots. Essay writing.

1. Bat di xa sure na aketch nga yung friendship nya from hs?
Kasi siguro I look totally different from what I used to look during high school. Gwapo ako dati, slight. Ngayon maganda na (at long hair pa, fabulous!). hihihi. (Minsang umuwi nga aketch sa province, may lolo akey na akala nya, kapatid aketch ng mudrax kez. Na dalaga. Winner da vah?)

2. Bat di ko xa pinansin?
Ewan ko. Cguro nahihiya aketch (nope, nde ko kinakahiya ang sarili ko, nahihiya lang ako.). At ayaw ko naman ma-put on the spot kami pareho. Sa jeep. (Hey klasmeyt, oo, ako nga to, si *****, pero Fiona na ko ngayon eh. Anyway, ang cute mo na ha? Kahit mukha ka ng daddy. Slightly. hihi. Nagbayad ka na? Libre mo naman akey!)Awkwardness naman di ba!?

Dahil nga bihira lang aketch umuwi sa bundok at sobrang tagal ko ng walang balita sa mga dati kong kaibigan, di pa din akey "out" sa kanila. Sa mga kakilala ko naman nung college, madami nang nakakita ulit sa akin (karami sa kanila nagugulat at tinatanong kung akez ba talaga si *****. haha.) Pero di ko naman sila dinededma. In fact, nag-iikmayl pa nga akey ng sweet eh. At binibigyan kez pa sila ng authograph noh. Pero ba't sa mga klasmeyts/friendships ko nung hs parang ang hirap?

Ah ewan. Dedma na lang muna. Tsaka ko na lang to babalikan pag nakahanap na aketch ng sagot.

No comments: