Monday, March 10, 2008

Filmus Adictus

There are people addicted to drugs, there are those addicted to sex. Some are alchoholics, some shopaholic, and others workaholic. As for me, I am Princhecha Fiona and I am a cineholic.

Yes, I admit, I am addicted to watching films in a cinema. Watching movies at home does not appeal much to me (unless I have my own home theater system, I wouldn't mind, but until then...). For me, watching a movie is not complete without the whole "cinematic" experience: queueing for my ticket, buying one large soda (Coke preferably), making a beeline to the restroom so that I don't need to go at the middle of the movie (and miss anything important), and then watching the trailers while waiting for the movie to begin (and getting excited on the next movie that I should watch). Then of course there's the comfy seats, the bigger-than-life screen and the surround-sound system.

Kung may maituturing akong isang kaartehan sa katawan, ito na yun. Ang panonood ng pelikula sa magandang sine (dapat talaga magandang sine?! hihihihi). Isa syang luho, isa syang adiksyon. Kaya kong manood ng sine mag-isa. Kaya kong manood ng dalawang beses magkasunod, tas manonood ulit ng isa pa kinabukasan. Kapag nde ako nakanood, parang nde kumpleto ang linggo ko.

There's something in cinemas that I really find relaxing, comforting even. Natutuwa ako kasi malamig (mas masarap manood! lalo na pag kasama ko si Princhepe hihi), tas madilim (mas konting distraction, so mas madaling tumutok sa malaking telon). Behaved ako sa sine ha?, I swear!!! Syempre kelangan magconsentrate kasi nde pwedeng may I rewind pag may nde ka nagets! (And si Princhepe medjo short ang attention span sa mga dialogue-dialogue, kaya dapat ever ready ako magexplain/magrecap ng mga linya. hihi)

Nde ako masyado nagpapadala sa mga reviews/comments ng iba tungkol sa isang pelikula. Mas mahalaga sa akin yung experience na nakukuha ko buhat sa panonood ko ng pelikula. Para sa akin, ako lang ang makapagsasabi kung nagustuhan ko ba o nde yung pinanood ko (kung nde ko papanoorin, pano ko malalaman di ba? hihihi).

Nde rin naman ako maalam sa teknikal at artistik na aspekto ng pelikula. Kaya syempre, bilang isang manonood, ang mas nagiging batayan ko kung nagustuhan ko ang isang pelikula o nde ay kung nakarelate ba ako o kung napag-isip ba ako. Ganun lang.

Masaya na ako kapag paglabas ko ng sine napaisip ako o kaya natuwa/natawa/naiyak/natakot/kinilig. Kahit nde ko nagustuhan yung napanood ko, kahit nainis ako sa palabas/sa pagarte ng bida/kababawan ng kwento, ok pa din. Nde naman lahat ng pelikula magugustuhan ko talaga.

Pero ayun nga, required na dapat sa magandang sine ako manood. hihihihi. (Pag sa dvd lang, nde ko talaga maappreciate ang panonood.) Tsaka pala dapat syempre maumpisahan ko yung pelikula from the start. (Coming in at the middle of the film does not work for me.)

Kung nde to ka-adikan sa sine, di ko na alam kung ano tawag dito. hehe



_________________________
Coming soon: ang mga nasightchina kong mga jolikulas for Feb!

No comments: