Saturday, August 9, 2008

Remember me this way

...Every now and then, you'll find a special friend...

Alam nyo ba yung pag may narinig kang kanta or naamoy na scent, suddenly you are taken somewhere, sometime in the past?

Naganito ako nung isang araw. Habang papunta sa office, pinatugtog sa radio yung kantang Remember Me This Way. Bigla-bigla na lang at walang pasabi, memories of the past came flooding in. (Time space warp, ngayon din!)

Baguio. First year high school. Isa ako sa representatives ng aming school sa isang convention.

Kasama din namin nun si Kuya Jerome. Ang hearthrob sa school namin. Na di naman kataka-taka dahil siya ay matangkad (mga 5'8"-5'9" na ata sya, 4th year pa lang sya nun), matipuno, maputi at higit sa lahat gwapo (younger version sya ni Richard Bonnin). Lahat ata ng mga babaeng representatives (ng school namin, kahit pa yung mga taga-ibang school, pati na ata yung isang madre na adviser ng isang delegation ay may crush sa kanya).

Anyway, ipinapanguna ko na na hindi ko sya naging crush. Wala pa sa bokabolaryo ko nun ang mga crush-crush.

So ano ang kwento? Oh well, si Kuya Jerome ay naging Big Brother sa akin through out the weeklong national seminar-workshop-convention. Sya ang naging protective kuya sa akin, marahil dahil sa ako ang pinakabata (at pinakamaliit) na kinatawan dun.

Sya ang taga gising ko pag mag-aalmusal na. Sa gabi bago matulog, itatanong nya kung nagugutom ba ako, na sa mga gabing medyo nagugutom ako, bibilhan nya ko ng snacks.

May dalawang pagkakataon din na pinasan nya ko sa kanyang balikat. Una dahil napagod ako ng husto ng mapagtripan naming maglalakad-lakad/magjogging isang umaga, pinasan nya ko pabalik. Ikalawa eh nung namasyal kaming lahat sa park.

Pag ang mga upper classmen ay nagsisimula nang magusap ng usapang kabastusan, he is quick to point out na meron daw bata. Pero mayamaya eh itutuloy din naman nila ang kanilang kwentuhan.

On the two occasions that they snuck out to have boy's-night-out, inihatid nya ko sa girls' quarters para dun matulog at sinundo na lang nya ako ulit pagbalik nila.

Nung sumama kaming magghost hunting, isa sya sa mga nangungunang manakot, pero he always made sure that I was beside him, checking if I was alright.

Kami ang magkatabi sa bus pauwi para daw pag inantok ako, tulog lang daw ako sa kanya para hindi ako mahirapan. Nakatulog nga ako all the way from Baguio hanggang sa may amin.

Kuyang kuya talaga sya sa akin nun.

Pagkatapos ng convention, balik na din kami sa aming dating buhay. Ako ang pabibong first year, siya ang hearthrob na forth year. Kapag nagkikita kami around the campus, usual lang na hi at hello at kamusta. In short, di kami naging close after.

After nya maggraduate, sa Manila sya nagcollege. Kaya lalong hindi na kami nagkitang muli. I couldn't even recall now kung kelan kami huling nagkita.

Ang tagal na nga din mula ng huli ko syang maalala. Neto na lang ulit, ng marining ko ang:

...Remember me this waaaay, Remember me this way....


=============================
Never na kaming magiging close ni Kuya Jerome. Never ko na din sya makikita ulit. A few years back, he figured in a horrible motorcycle accident in which he died on the spot. Nalibing na nga lang sya nung mabalitaan ko, hindi man lang ako nakabisita sa burol.

Perhaps Kuya Jerome wanted me to remember him as my sweet, caring and thoughtful kuya. And perhaps he wanted the song to be a means for me to think about him from time to time.

So yes, Kuya Jerome, wherever you are, I will remember you that way...

9 comments:

... said...

What if you are given the chance too see him now, what will you tell him?

Magjo-joke sana ako, may kurot pala sa dulo ang post na 'to Mare..
Miss mo siguro siya..

[G] said...

Sweet. Sad.

jericho said...

sad. haaay. at least, yung happy moments ang naiwan sa'yo. ;)

. said...

Iisipin ko lang kung may ganitong memories rin ako. Hehe.

rik32miles said...

oh yeah, sometimes we met people and they stayed with us...at least it was a wonderful memory...

Bebs Gohetia said...

anlungkot naman... :(

PrincheCHA Fiona said...

@mel mare, i'll just say hi! hahaha weird nga eh, di ko naman sya naiisip pero bigla ko lng sya naalala dahil dun sa kanta.

@dabo, jericho, bebs yeah, sad na ang aga na nagpass away.

@joms kung may kuya moments ka din? hehe sana naman, wala ding involved na motorcycle accident yun no?

@rik kurek, at least the memories were happy ones...

Savage Heart said...

I love this post.. medyo sad pero sweet... keep it up!! :)

Savage Heart said...

I love this post.. medyo sad pero sweet... keep it up!! :)