Showing posts with label blah. Show all posts
Showing posts with label blah. Show all posts

Monday, October 27, 2008

10/27

I woke up this morning and I remembered the date. I felt sadness creep inside me. It came without warning. I should have expected it.

Today should have been our fifth year together. But today we are not.



Oh well, sabi nga nila...

pasintabi sa mga kumakain




SHIT HAPPENS. But we must move on and continue on with our lives.



Pwede namang maghugas pagkatapos. O magpunas ng tissue.





(Haaaay, nangangamoy pa din. Di ata ako nakapaghugas pa ng maayos.)


Friday, September 19, 2008

Excuse Moi

Shoesmio! Nayanig na ang mga institution sa Wall Street nde pa din ako nakakabalik sa tamang wishoe, anuver!

Anyway, gusto ko lang kayo kamustahin.

At saka pala konting kwento na din.

Nung isang araw, napagpasyahan kong magbus pauwi (madaling araw na kasi ako usually umuuwi kaya madalas ako mangwaldas ng pera sa cab).

So ayun nga. Pumara na ng bus. Sumakay. Naghanap ng cute na matatabihan. hihihihihi. "Shaw po." sabi ko sa kunduktor sabay bayad.

Sa sobrang pagod, di ko na napigil maidlip sa bus. Nagising na lang ako ng makarinig ako ng mahinang "Excuse me. Miss, excuse me...". Antok-antok akong nagbigay ng puwang para makadaan si cute, thinking na baba sya.

Ngumiti lang si cute at lumipat ng upuan sabay sabing "Shaw na.". Nagulat at biglang gising ang malay ni bakla, sabay tayo at dagling baba ng bus. Hindi man lang ako nakapagpasalamat kay excuse-me-guy. Nakakawala pala ng manners ang puyat. Kung hindi nya ako ginising, malamang umabot ako ng Cubao o North Edsa. haha. Ni hindi ko man lang sinuklian ang ngiti nya ng mas matamis na ngiti o kahit flying kiss man lang.

Pero huli man daw at magaling, kung nababasa mo to mamang pogi na gumising sa akin, thank you ha!

----------

Birthday ng kaibigan ko at magpapaparty sya sa Sabado. Open mic daw with a live band ang drama. Tas dahil mayaman naman na sya, naisip nya na imbes daw na dalhan namin sya ng gift, magdonate na lang daw kami ng cash para sa isang outreach ministry na napili nya. Shushal, may philanthropic kyeme pa itong nalalaman.

Pero nde pa ko sumasagot sa RSVP nya, nde ko pa kasi sure kung pupunta ako. Una, may takbo kasi ako ng maaga sa Sunday. Pangalawa, nde pa ko nakakapagpractice ng production number ko para sa open mic at nde pa tapos yung costume na pinatahi ko, ahihihihi. At ikatlo, wa akong ninoy na pambigay sa charity. Nakakahiya namang magsobre ng limang tigbebente.

----------

Ayun lang muna ang update ni princhecha. Malapit-lapit na siguro ang totoong pagbabalik.

Friday, August 29, 2008

In case you're wondering, buhay pa ang princhecha, nakakatakbo pa, thank you girls very much!

Pasensya naman at eons ago pa since last akong nakapagupdate ditey. Wala naman akong excuse para nde mag-update, andami ko ngang topics na bet iwrite, pero ewan, nde ako makasulat.

O sya cge, meron akong excuse. Wala kasi akong jinternet kunekshun ngayon sa balaychina. hahaha. Pasensya, hampas lupa. Sa office naman nde ako makapagconcentrate. Ang hirap kayang magpretend na busy sa work habang sumusulat lang pala ng novela sa blog! Ahihihihi.

So ano palang updates meron aku?

Ayun, nagmega run pala ako ng aking ikajopat na race evah! Ang Run4 Ur Lyf. Ayon sa website ng organizer ng run: "The campaign for a picture based health warning in tobacco products through the fun run last August 17, 2008 at the UP Diliman Campus was one big step in advancing the cause. With more than 500 participants, the Run 4 Ur Life raised awareness on and increase support of the Picture Based Health Warning Bill pending in the Senate and in the Congress."

Knowings nyo na ba 10 Filipinos die every hour due to cigarette smoking? Wala namang magiging gastos ang gobyerno sa picture-based health warning, ba't hindi pa ito ipasa?

Anyhoo, ano naman ang mga kaganapan sa run? Ayun, unang stop pa lang para sa pagkuha ng tubig (which, mind you, is tinatabo lang galing sa drum papunta sa mga cups, so kung hindi lang uhaw na uhaw ka na eh di mo maiisipang uminom! hihihihi) ay natapilok na ako! Yung aking chronic ankle sprain ay nagbabadya na naman. Buti na lang at naka ankle guard ako pag tumatakbo kaya nde naman masyado nainjure ang beauty! Yun nga lang, mas bumaba ang aking time! More than 40minutes ko natapos ang 5k!

Pero froud naman ako sa aking Jimboi! Kahit pangalawang race pa lang nya to, muntik na sya magplace! Shushalin! May potential si lolo! I'm froud! :p Konting practice pa eh feeling ko magkakamit sya ng medalya! ahihihihi...

At dahil nagpramis ako na manonood, kahapon ay nagtungo ako sa Cine Adarna sa UP para manood ng premier ng the Thank You Girls! Bongga! Nagdouble shift ako nung nakaraang araw para makaliban sa pasok (pero pumasok pa din naman ako after... hahaha), nagpamove pa ko ng conference call para makapunta inferness! Pero sulit ang panonood!

At dahil sabi ko nga sa dati kong post na nde ako marunong sumulat ng film review ay nde pa rin ako magaattempt na gagawa ng isa. haha.

Basta masasabi ko lang, job well done Bebs! :) Magaling, magaling, magaling! Ilang beses akong napahagalpak! Kakatawa siya ha! Nakakaaliw ang mga lines. Bentang-benta! At halatang pinag-isipan! Clap, clap, clap! At hindi lang buhay tyg sa mg ang pinakita. Ano-ano pa yung mga yun? Aba, panoorin nyo na lang to find out! hihihihi.

Nakita ko din si Coco Martin! Naman! Kilig to the bones (with maihi-ihi effect) ang beauty ng princhecha, too bad nga lang nde ako nakapagdala ng digicam! Kainis!

At nakapagpaowtograph din ako kay direk! Hahahaha. Magiging collectors item din to balang araw! hihihihi

Tsaka may bonus na free CD pa pla ng Roxymorrons. Oh di ba sulit? hihihihi

Last but not the least! Natupad din sa wakas ang matagal ko nang inaasam. Pangarap ko na nung bata pa ako na makita ang pangalan ko sa mga film credits, kaya lo and behold, halos mapaiyak ako sa gulat at tuwa ng mabasa ko ang pangalan ko sa pinilakang tabing! Kulang na lang magsusumigaw ako sa sine! Hahahaha

So sa mga nde nakanood, watch kayo pag pinalabas na sya sa sinehan. Abangan ang Advance Screening sa Sept 23, 9:00pm sa Robinsons Indiesine. Ang regular screening ay sa Sept 24-30. Don't miss the chance na mapanood ang future international award winning film na itu! ahihihihihi.

Sambahin nyo sila! Char lang! :p

Kitakita sa races at sa cinema! Babuu!


(At, mahal ko kayong lahat! May ganun? hahahaha)

Tuesday, August 19, 2008

Wag si Bakla?

A few days ago, I met with two of my friends (one girl, the other a PLU who just came out to us late last year).

While eating at Green Tomato, our conversation led to Project Runway.

Naturally, I told them who my favorite designers were and also said that I find Eli (which according to the PLU friend is pronounced as ee-lie (parang ilaw na ginawang y yung w) and not Eh-li) cute and is my new crush.

And then he blurted with a little hint of a disgusted tone: "Wag, yun! Wag yun! Baklang-bakla!"

Napataas na lang ang kilay ko, sabi ko: "Oh eh ano naman."

"Tsaka parang jologs daw. Basta sobrang layo nung itsura nya daw sa personal dun sa pictures nya sa net. Nakadate na yun nung friend ko eh. Turn-off daw nung nagkita sila sa personal."

Fine. So bawal na magkacrush sa bakla? Eh hello bakla pare-pareho naman tayong bakla? Sa tomboy nga nagkacrush ako once, sa bakla pa kaya?

Tsaka hello crush lang naman, vahket kelangang gawan ng issue kung baklang-bakla ang isang bakla? At ano kung type nya magpose ng panlalaki sa kanyang mga pictures. Masama?

Pati pa ba naman sa kung sino ang pwede maging crush kelangan may discrimination? Naman. Tigilan ako.

Basta sa akin, ang cute ay cute kahit pa effeminate, straight acting, lalaki, babae o tomboy.


p.s.

Hindi ko na crush si Ee-Lie, hindi dahil sa baklang-bakla sya kumilos sa Project Runway, kundi dahil inaaway nya si sister Veejay! Hmpt! Pero bet ko pa din ang kanyang mga star tats. hihihihihi

Saturday, August 9, 2008

Remember me this way

...Every now and then, you'll find a special friend...

Alam nyo ba yung pag may narinig kang kanta or naamoy na scent, suddenly you are taken somewhere, sometime in the past?

Naganito ako nung isang araw. Habang papunta sa office, pinatugtog sa radio yung kantang Remember Me This Way. Bigla-bigla na lang at walang pasabi, memories of the past came flooding in. (Time space warp, ngayon din!)

Baguio. First year high school. Isa ako sa representatives ng aming school sa isang convention.

Kasama din namin nun si Kuya Jerome. Ang hearthrob sa school namin. Na di naman kataka-taka dahil siya ay matangkad (mga 5'8"-5'9" na ata sya, 4th year pa lang sya nun), matipuno, maputi at higit sa lahat gwapo (younger version sya ni Richard Bonnin). Lahat ata ng mga babaeng representatives (ng school namin, kahit pa yung mga taga-ibang school, pati na ata yung isang madre na adviser ng isang delegation ay may crush sa kanya).

Anyway, ipinapanguna ko na na hindi ko sya naging crush. Wala pa sa bokabolaryo ko nun ang mga crush-crush.

So ano ang kwento? Oh well, si Kuya Jerome ay naging Big Brother sa akin through out the weeklong national seminar-workshop-convention. Sya ang naging protective kuya sa akin, marahil dahil sa ako ang pinakabata (at pinakamaliit) na kinatawan dun.

Sya ang taga gising ko pag mag-aalmusal na. Sa gabi bago matulog, itatanong nya kung nagugutom ba ako, na sa mga gabing medyo nagugutom ako, bibilhan nya ko ng snacks.

May dalawang pagkakataon din na pinasan nya ko sa kanyang balikat. Una dahil napagod ako ng husto ng mapagtripan naming maglalakad-lakad/magjogging isang umaga, pinasan nya ko pabalik. Ikalawa eh nung namasyal kaming lahat sa park.

Pag ang mga upper classmen ay nagsisimula nang magusap ng usapang kabastusan, he is quick to point out na meron daw bata. Pero mayamaya eh itutuloy din naman nila ang kanilang kwentuhan.

On the two occasions that they snuck out to have boy's-night-out, inihatid nya ko sa girls' quarters para dun matulog at sinundo na lang nya ako ulit pagbalik nila.

Nung sumama kaming magghost hunting, isa sya sa mga nangungunang manakot, pero he always made sure that I was beside him, checking if I was alright.

Kami ang magkatabi sa bus pauwi para daw pag inantok ako, tulog lang daw ako sa kanya para hindi ako mahirapan. Nakatulog nga ako all the way from Baguio hanggang sa may amin.

Kuyang kuya talaga sya sa akin nun.

Pagkatapos ng convention, balik na din kami sa aming dating buhay. Ako ang pabibong first year, siya ang hearthrob na forth year. Kapag nagkikita kami around the campus, usual lang na hi at hello at kamusta. In short, di kami naging close after.

After nya maggraduate, sa Manila sya nagcollege. Kaya lalong hindi na kami nagkitang muli. I couldn't even recall now kung kelan kami huling nagkita.

Ang tagal na nga din mula ng huli ko syang maalala. Neto na lang ulit, ng marining ko ang:

...Remember me this waaaay, Remember me this way....


=============================
Never na kaming magiging close ni Kuya Jerome. Never ko na din sya makikita ulit. A few years back, he figured in a horrible motorcycle accident in which he died on the spot. Nalibing na nga lang sya nung mabalitaan ko, hindi man lang ako nakabisita sa burol.

Perhaps Kuya Jerome wanted me to remember him as my sweet, caring and thoughtful kuya. And perhaps he wanted the song to be a means for me to think about him from time to time.

So yes, Kuya Jerome, wherever you are, I will remember you that way...

Friday, June 6, 2008

Autoless at labu-labong mga ideyang dulot ng 24 oras na paglagi sa opisina

Sa susunod na buwan, iuuwi ni Jimboi ang kotse sa probinsya. Namamahalan na sya masyado sa presyo ng gasolina, na tinataya ng mga eksperto na aabot pa ng P65! Idagdag pa ang bayad sa parking na kapag sinuma mo eh magkano din.

Naisip ko, kung kami ni Jimboi na nde pamilyado at masasabi mo namang may magandang trabaho ay ramdam na ramdam ang hirap ng buhay sa Pilipinas, paano pa kaya yung mga karaniwang mangagagawa na bumubuhay ng limang tao?

Nakakamanghang isipin kung paano nila napagkakasya ang kakarampot na sweldong napagiiwanan sa kangkungan ng mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin at kung paano ito hahatiin ng sapat sa pagitan ng pagkain, kuryente, tubig, edukasyon ng anak, gamot kung may sakit, pamasahe, at kung ano pang gastusin. Kakaibang imahinasyon, pagkamalikhain at pagkamaparaan ang ginagamit upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan at mairaos ang pangaraw-araw na pamumuhay. Kung may patimpalak na pagalingang magbudget, malamang sa malamang na ang panalo ay isang Pinoy.

Sa papahirap na papahirap na kalagayan ng estado ng buhay, ano ba ang nararapat gawin? Tipirin pang lalo ang salat na salat ng pitaka ni Nena/Juan? Hanggang kelan tayo magtitiis at makakatiis mamaluktot sa umiiksing kumot?

Sa totoo lang hindi ko din alam.

--------------------------------------

Sa kabila ng nararamdamang kahirapan, kapansin pansin naman ang pagdami ng mga malls at iba pang lugar pasyalan sa loob at labas ng lungsod. At ang pagdagsa ng mga taong tumatangkilik sa mga ito.

Marahil ay ginagamit itong daan upang takasan ang realidad ng hirap ng buhay. Marahil ay sawa na ang mga tao sa dramang dulot ng mga personal nilang problema, dagdagan pa ng sirkus sa gobyerno. Maaaring pinipili nilang makaranas ng kapirasong karangyaang nararamdaman nila sa tuwing naglalakad sila sa malalamig na gusali nila Sy at Ayala at napapaligiran sila ng mga mararangyang bagay. Maaaring sa puso ng mga malls, nakukuntento na sila sa pagtingin-tingin at pangangarap. Minsan, masarap magpanggap na wala kang problema at ang lahat ay maayos at matiwasay.

--------------------------------------

Malapit na ang Araw ng Kalayaan ngunit naiisip ko kung may relevance pa ba ang araw na ito? Ayaw ko namang maliitin at ipagwalang halaga ang mga buhay na nabuwis upang madeklara ang "kalayaan" ng Pilipinas ngunit tayo ba ay malaya na talaga?

Sa aking palagay ay hindi pa sapagkat tayo ay natatali pa sa maraming bagay. Nakikiapid pa din tayo sa kahirapan.Nakagapos pa din tayo sa impluwensya ng mga dayuhan. Hindi pa din tayo nakakatakas sa hawla ng bulok na sistema at kurap na mga opisyal. Nadodominahan pa din tayo ng mga patakaran ng iilan. Ang mga bibig natin ay binubusalan. Ang mga kamay natin ay nakakadena pa din. Pati utak natin ay nananatiling bihag ng mga taong nakabaro't saya, nakasutana o naka kurbata.

Ang pagiging malaya ay higit pa sa pagdedeklarang may bagong panganak na republika.

Saturday, May 24, 2008

Midyear Resolution

I am not a fan of New Year's Resolution because I end up breaking them anyways. Let me try if changing "new" to "mid" would make a difference. So here goes: I, Princhecha Fiona, resolve to live a more active lifestyle.

I know I am a little bit overweight. I have been since I started working. Currently, I am carrying 42 lbs of fat, of which mostly are concentrated in my mid section. I used to not care. Heck, I still don't care that much. But I am beginning to care a little.

I enrolled in a fitness center last week. No, I don't have a ridiculous plan of growing my muscles bouncer big (I have nothing against muscledmen though, my Jimboi has a gymbod, I just don't see me having that!). What I'm aiming for is that I won't live a sedentary lifestyle anymore. And I want to lose my now-big-soon-flat tummy! Hopefully in 12 weeks time, I'll be in my ideal weight already, one pound a week is not that bad!

By signing up in the gym, I am facing my fear of getting the what-is-she-doing-in-the-men's-locker look. But I'm trying to ignore all those and just do my thing. Let the chauvinist pigs think what they want to think, all I know is that I would just want to use the gym facilities for my fitness. I am not there for any other hankypanky business. I woudn't even want to look at their parading naked asses and bulging, ehem, muscles for crying out loud. I'd rather look at my Jimboi noh! :p

Now, I also have to discipline myself not to always take a cab to and from the office. I figured that I'd cut my transpo budget to pay for my gym fee.

Also, I now have to be conscious of what I eat. Hard as it may sound to a sweet tooth as me, I'd have to figure a way to lessen my "unhealthy" food intake. I wouldn't want to put to nothing what I lost in the gym to only gain it back in the table. I'm starting with chocolates, junk food and candies and with my upsized drink habit!

The trainer at the gym asked me, after 6 months of going to the gym, how do you see yourself? My answer: if I don't see this tummy, then I'm happy!

It's not that hard a target right? Wish Fiona luck but I know she can do this! :p

I can already see a healthier me! See you all at the gym!

Monday, April 21, 2008

Ang Diva sa Karenderia


Payapa kaming lumalafetch ni Jimboi kagabi sa isang kainang bukas 24 oras na nasa kahabaan ng Boni ng biglang:

Diva sa katabing table: "Pssssst, psssst." (yes, nde Ate o Miss o Manang, psssst, psssst talaga!)
Lapit naman ang pinaswitan.
Diva: (sa tonong galet at dinig ng lahat ng nakain sa restawrant) "Pwede na bang umorder Ne?" (Ne talaga kahit di maipagkakailang mas matanda pa sa kanya ang manang serbidora.)
Pagkaorder, may pahabol pa ang Diva: "Ang hirap sa mga to ang dami-dami nila di ka man lang maestima ng maayos."

Napatingin ako sa lugar na kinakainan namen. Walang magkakamaling magsabi na first class restaurant ito, kaya nagtataka ako kung baket nageexpect si Diva ng maitre d' o kaya naman eh personal waiter/waitress. Di kaya sya namali ng lugar na pinuntahan?

Mega fly pataas ang kilay ketch matapos ang mga eksenang ito. Nakakakulo ng dugo ang mga ganitong tao na bastos, walang galang at napakataas ng ere na animo sino kung umasta!

"Jimboi, spell BITCH!" (Sabay tingin sa kabilang table.)
"Oo nga." (Buti nde slow mode si Jimboi at nagets agad ang ibig ko sabihin.)
"Akala mo kung sinong gwapo nde naman." (Deadma ever na, at tuloy na lang sa pagkain, wala naman akong mapapala kung patulan ko si Diva dibah?)

Maya-maya pa, may batang namamalimos na papalapit. Ispluk na naman si Diva: "Hoist. Wag ka manggugulo dito. Dun kaaa."

Hingang malalim, Fiona. Kakaiba lang talaga ang lebel ng kamalditahan ni Diva. Nde ko alam kung ang angas nya ay nangangaling sa dala nyang Hyundai o sa ternong checkered na sapatos nila ng "pare" nya. Pwe.

Hula ko lang ha, ang pangalan ni Diva eh Celia Rodriguez, nick name nya eh Bella Flores at pinaglihi sya kay Odette Khan. Bulong nga ni Jimboi sa akin: "Meron pala talagang kontrabida sa totoong buhay no?"

Monday, March 24, 2008

Sari-Saring Blah, Blah

Biyernes santo. Pauwi ako sa boondock ngunit nataon naman na may prusisyon sa may amin. At swerte! Dalawa pa- isang pangkatoliko, isang pang-aglipay. At dahil dun, sarado ang daan. At syempre pa, walang jeep. Ang ending, naglakad ang princhecha mula balaychina hanggang munisipyo. Inabot din ng 45 minutes ang alay lakad kong yun bago ako nakakita ng jeep papuntang Edsa. Inisip ko na lang penitensya ko yun (dagdag sa abstinence from you-know-what, hihihihi), papayat pa ko ng konti.

Sa boondock, patabaing baboy ang drama ng princhecha (bale wala ang alay lakad!). Dahil puro isda at gulay ang ulam (na tila di masyadong nakakabusog), eh ginawa ko na lang ang madalas na pagkain. hihihihi Walang tigil ang bibig, as in. Tutal wala din namang ibang pwedeng gawin, maliban sa pakikipagchismaxan kay mudrax! hihihi

Anyway, ilang blah,blah fresh from the boondocks (as if may care kayo noh? la lang bakit ba! hahaha):

Pinsan1, buntis, ang boyfriend, may asawa.

Pinsan2, buntis din, ang boyfriend, may asawa din. (what is it with cousins, pregnancy and married men?! Magboboyfriend na lang, sa may mga sabit pa. Gagawa na lang din ng churvah, di pa mag-ingat. Anuvah!)

Pinsan3 and 4 (magkapatid), nagrecord ng kanta. Grabe, nabilib ako! Ang galeng! I'm so proud! hihihi (bat di kya sila sumali sa Pinoy Idol?! Anyway, iniisip ko ilagay dito yung song nila. Medyo Gospel nga lang sya, kaya parang di masyado bagay. hihi)

Tita1 inaway si Lola1 at Lola2. Di ko na inalam ang dahilan. Kebs na, matatanda na sila. hihihihi

Pari1 pinalitan na ni Pari2. Inferness, mas magaling magbigay ng sermon si Pari2. Very engaging. Di nakakainip at di mo mapapansing ang haba na pala ng natalak nya. Kaya cguro mas madaming nagsisimba ngayon.

Caroo nila Princhecha, ginawang drawing board. Suspek: ang binasted ng gf ng broderaka nya. Wtf! Nde nakuntento sa isang maliit na linya lang. Nagdoodle talaga ang lolo nyo sa buong right side nung sasakyan. Goodluck! (Kasalanan ba ni broderaka na gwapo't simpatiko sya at sya ang sinagot ng bilat, heller? At ba't kelangan pagtripan ang caroo?!)


Sa sobrang bihira ko umuwi, pagdating ko, tyak sobrang dami lagi ng bago. Di na nga ako halos kilala ng mga tao eh. At di ko na din sila kilala.