Friday, September 19, 2008

Excuse Moi

Shoesmio! Nayanig na ang mga institution sa Wall Street nde pa din ako nakakabalik sa tamang wishoe, anuver!

Anyway, gusto ko lang kayo kamustahin.

At saka pala konting kwento na din.

Nung isang araw, napagpasyahan kong magbus pauwi (madaling araw na kasi ako usually umuuwi kaya madalas ako mangwaldas ng pera sa cab).

So ayun nga. Pumara na ng bus. Sumakay. Naghanap ng cute na matatabihan. hihihihihi. "Shaw po." sabi ko sa kunduktor sabay bayad.

Sa sobrang pagod, di ko na napigil maidlip sa bus. Nagising na lang ako ng makarinig ako ng mahinang "Excuse me. Miss, excuse me...". Antok-antok akong nagbigay ng puwang para makadaan si cute, thinking na baba sya.

Ngumiti lang si cute at lumipat ng upuan sabay sabing "Shaw na.". Nagulat at biglang gising ang malay ni bakla, sabay tayo at dagling baba ng bus. Hindi man lang ako nakapagpasalamat kay excuse-me-guy. Nakakawala pala ng manners ang puyat. Kung hindi nya ako ginising, malamang umabot ako ng Cubao o North Edsa. haha. Ni hindi ko man lang sinuklian ang ngiti nya ng mas matamis na ngiti o kahit flying kiss man lang.

Pero huli man daw at magaling, kung nababasa mo to mamang pogi na gumising sa akin, thank you ha!

----------

Birthday ng kaibigan ko at magpapaparty sya sa Sabado. Open mic daw with a live band ang drama. Tas dahil mayaman naman na sya, naisip nya na imbes daw na dalhan namin sya ng gift, magdonate na lang daw kami ng cash para sa isang outreach ministry na napili nya. Shushal, may philanthropic kyeme pa itong nalalaman.

Pero nde pa ko sumasagot sa RSVP nya, nde ko pa kasi sure kung pupunta ako. Una, may takbo kasi ako ng maaga sa Sunday. Pangalawa, nde pa ko nakakapagpractice ng production number ko para sa open mic at nde pa tapos yung costume na pinatahi ko, ahihihihi. At ikatlo, wa akong ninoy na pambigay sa charity. Nakakahiya namang magsobre ng limang tigbebente.

----------

Ayun lang muna ang update ni princhecha. Malapit-lapit na siguro ang totoong pagbabalik.

11 comments:

odin hood said...

"walang anuman, basta ikaw miss"

LOL

... said...

tatakbo ka na naman? may panata ka ba? hihi. miss u na mare, lalo na si jimboi. hahaha

[G] said...

uy nagparamdam :-)

hoy, mag-online ka naman minsan.

jericho said...

oo nga bakla. tama na ag busy-busyhan. kami naman asikasuhin mo. hehehe.

JM said...

anu ng ganap sayo? d ka na nararamdaman ng blogger. hehe

. said...

Basta masaya na ako at nagparamdam ikaw Princhecha. Namiss ka ng blogspace. :)

Glee said...

hi princhecha! glad your back! love reading your stories. natututo pa ko ng mga jokes! :)

Poipagong (toiletots) said...

Excuse me miss... nakikibasa at nakidaan po. hehe.

Looking For The Source said...

taray ng eksena. sayang at nagpalampas ka na lang sana kahit konti para kay excuse-me-guy.. he he..

bloghopping lng ateh! he he

wanderingcommuter said...

naks baka soul mate kayo... kapag nagkita ulit kayo hingin mo na kaagad ang number. hehehe

PrincheCHA Fiona said...

@odin so ikaw pla yun? wahahahaha ambilis mo magcomment ah! ako super late! hahahahah

@mel naku nde ako tumuloy sa takbo... hihi, di ko kinaya eh, sa bday ako natuloy. haha

@gibo nagoonline naman ako paminsan eh! hihihihi yun nga lang wla ka na... haha

@jericho nde nman ako busy, nagpapanggap lang! hahaha, ikaw kaya ang laging busy! :p

@jm nagpaparamdam naman ako kahit papano noh! hmpt! :)

@joms eh ikaw namiss mo ko? hihihihi

@glee Mare!!! ayan at nagdebut na pla ang iyong blogelya! hihihihi welkam back din!

@poi hahaha, salamat sa pagbasa at pagdaan! :P

@lfts hahaha, nde ko na nga naisip na nagpalampas eh, natuliro na ko agad! hahahaha welcome to my blog! :)

@erik hahaha... may ganung factor? hahaha mahiyain ako sa totoong buhay eh, kya di ko alam kung keri ko manguha ng number! hahaha