It was raining really hard when I woke up the morning of July 27th. Oh no! Ayokong tumakbo ulit sa ulan dahil ayaw kong madumihan na naman ang aking bagong sapatos!
Tumawag ako sa organizers ng run to confirm if the race would push thru even with the downpour and they said yes! Ugh, cge na nga, maputikan na kung maputikan ang sapatos, go na sa takbo!
Tumila naman ang ulan.
Ligong bibe lang ako dahil malamig. Nagbihis. Nag-almusal. Tumakbo for 10mins para warm up. Nagtaxi. Iniwan ang gamit sa baggage area. At syempre, nagboy watching. hahaha. May mangilan-ngilan ding artista ang nakita kong sumali sa race.
Sabi ng host na si Paolo Abreira bago magsimula ang takbuhan, "for a safe race, serious runners who would want to break their records should be in front, leisure runners who want to take it slow should stay at the back."
Naman! Syempre pa dun kami sa unahan pumwesto no! Serious runners ata kami!
(This race pala is sponsored by Robinson's Supermarket and is a buddy run, meaning, both partners should begin and finish the race together. Dahil hindi naman agad nagconfirm si Jimboi, hindi sya yung buddy ko (at hindi na din sya nakakuha ng partner eventually). Bunutan kami ng kung sino magkaka-pair. Sa akin si Nic.)
And then go na! Una kong ka-pace sila Abbey at Glady at yung iba pa naming ka grupo sa running club. Naiwanan na namin ang partner ko. Tas nung naisip ko na first run nya to at tumatakbo sya magisa, binalikan ko sya. Hala, naglalakad na agad ang bruha! Kamustahin, wala pang 1km yun! Hahaha Sabi nya, iwanan ko na lang sya. So sabi ko na lang, antayin ko sya sa finish line, if ever.
So mega habol ulit ako sa iba. Tas may mga iba akong naunahan pa. In fernez, bumibilis ako ng konti! hahaha
Nakakatuwa yung ibang magpapartner! May isa akong nakita, yung isa medyo competitive, yung isa halatang napipilitan lang. So si competitive guy, tatakbo, babalikan si napipilitan guy, tas magpepep talk, "You can do it. Run! Go! Run!". hahaha Si napipilitan guy naman, halos hindi na makapagsalita "Mauna ka na, hindi ko na kaya tumakbo, I'll just walk for awhile!". Tas tatakbo ulit si competitive guy. Tas babalik ulit at magpepep talk! hahaha Nakakaaliw pero iniwanan ko na din sila kasi bumabagal din ako kakanood sa kanila! Hahaha.
After siguro ng mga 3 km, medyo napapagod na ko. So mega hingal hingal na ko and everything! Pero para na lang di maggive up, iniisip ko kung sino sa mga nasa unahan ko ang kaya ko iovertake tas pinipilit ko unahan sila! Medyo nagwork naman kahit papano. haha
Tas nung nakita ko yung 4km mark, kahit hapong hapo na ko, I kept on thinking, "1kilometer na lang, 1 kilometer na lang! Kaya mo yan!" hahaha. Tas nung medyo malapit na nagsprint na ako papunta sa finish line, pero naisip ko hindi ko kasabay yung buddy ko kaya nagmabagal ulit ako.
Yung mga walang partners, pinapatabi muna upang intayin ang kapair. Eh di antay naman din ako. Hala, lahat na ng kakilala ko nakita ko ng natapos, nagaantay pa din ako sa partner ko.
Si kuya marshal, natatawa na sa akin at sinabi na kanina ka pa dyan ah, wala pa partner mo? Hello kuya, obvious ba?! Nakakaistress mag-antay in fernez. Tinubuan na ko ng ugat, wala pa din si Nic. Nagwoworry na ko baka nagkolap sya at nasa ambulansya na! wahahaha
After mga 15mins cguro, ayan na, ayan na, natanaw ko na! Naglalakad! So ako naman, sumigaw-sigaw ng "bilis, bilis" sabay paypay sa towel!
Imbes na tumakbo, kumaway-kaway pa ang bakla! Feeling ata nasa parada si ganda, kaloka!
52 mins. Yan ang time namin! Winnur! Kasabay naming natapos mga lola!
Buti na lang may grocery bag sa lahat ng tumakbo kaya sulit ang race! Natuwa naman ako sa lootbag kaya nde ko na binungangaan si partner! hahaha
Until the next race! Ready, set, run! :p
Best Milf Hook Up Websites ES
4 years ago


9 comments:
Mare, next time try mu sumali sa walkathon ng Sumilao farmers. From bukidnon to manila and vice versa. Char! =p
mwahaha. natawa ako sa comment na mel. kaines, tumatakbo na nga eh nakiki-tsismis pa sa mga usapan ng iba. hehe
o zsa zsa padilla kelan ang launch ng Princess Fiona fitness video...nagpapakasuperfit ka dyan!
samantalang ako more than a month ng walang workout...tinatamad lang...
may running shoes lang ako eh sasali ako jan sa mga fun run na yan. Hehe.
wow ang fit naman ng mga tao lately. may nalalamang ganito...hahaha... sana sipagin dina ko minsan...
wagi ang comment ni mel...mwahahahahahha
pero wagi ka talaga fiona, kinakarir mo ang running na ito. jackie lou blanco, is dat chu?
@mel natry ko na yun dati mare! hahaha kaso saglit lng, from shaw to san miguel avenue! hihihi
@jericho hahaha, pasensya na, natural na chismosa si bakla! hahaha. keber kung di na makahinga sa pagod, kinig pa din sa ibang tao! hahaha
@rik hahahaha. tsaka na ang video pag gatingting na lang ako! hahaha go, go go, workout na ulit, pag nagstop kasi ang hirap na daw bumalik ulit! hehe
@joms talaga? may extrang running shoes si jimboi! go? wahaha join na! hahaha
@ewik nagfefeeling fit lang ako, pero fat tlga! wahahahaha. go, try mo lang, msaya naman manrun eh! tsaka halos every week may mga races! :P go, go, go!!! :)
@gibo naman, nde ko pa kaya makasira ng sink o kama para maging si ateng jackielou noh! hahaha tsaka ayaw ko magkamaskle maskle! hahaha pero fun nmn kasi magrun eh! hehehe
waw! kulang na lang, mic at camera, pwede ka na mag interview sa mga umeeksena dun. haha
@jm pwede, pwede, why not noh? good idea! :)
Post a Comment