Pagpasok ko ng gym nung Sabado, nakasalubong ko si Direk Joey. Kung feel ko lang magfeeling close, tatanungin ko sana sya tungkol sa mga PDA scholars kaso mahiyain ako sa totoong buhay, kya wit na lang.
After maggym, sumaglit lang ako para bumili ng bday gift para kay Shawie. Tapos umuwi ako ng bahay para magpalit ng damit at imeet si Georgette para sabay na kami pumunta sa padinner ng bday gurl.
Then, pagkatapos ko magbihis ng mabilis, go na kami sa Som's sa may Rockwell para sa lafang! Ang lafang we did. Ang bruhang si Shawie, hindi ata tinetake note ang kanyang mga naorder na kya naman super dami ng pagkain, as in hindi na magkasya sa table namin. Tas patuloy pa sa pagdating ng iba pang orders hindi mo mapipigilang magtanong ng "Ate last na ba yan?". At dahil nde pa daw last batch yun, ang ginawa na lang eh pinatake out na lang lahat ng pending orders.
Pagkatapos ng dinner ay itutuloy daw ang celebration sa inuman sa Good Earth. Pero dahil may moviedate kami ni Jimboi ay di na ako sumama.
Makikijoin na din daw sina Georgette, Natalie at Janjan sa movie. So gora kami sa GB3. Since on the way pa lang si Jimboi, dun na lang namin sya imimeet.
Pagdating sa GB, buyla na kami ng tickets. Pero super reserved na lahat ng seats for the Dark Knight. Ang latest na na may available seats eh yung 1am screening na masyado na late para sa iba. So 3 na lang kaming matutuloy magmovie.
Since madami pa kaming libreng oras bago magstart ang pelikula, nagdecide muna kaming magfeeling SATC girls kaya drinkaloo muna kami ng mga gelays sa Pepato sa GB2. Pagdating dun ni Jimboi, nde ata nya feel mag-alcohol kaya ang inorder lang nya eh napakawholesome na watermelon shake.
Habang ngdidrinkaloo, nagdecide kami magplay ng I have never. Ahihihi. I lvoe playing that game! Andami ko tuloy nalamang sikreto ni Janjan! hahaha
May time pa kaming magkape after nun. Nilibre kami ni Janjan sa starbuko, pabday na daw nya sa amin. hahaha. Sa starbuko, may nakita kming 2 di masyadong sikat na artista. Nde namin alam pangalan nila, pero cutie sila! I'm not sure pero I think Jeremy yung pangalan nung isa. Ah basta nakikita ko sila sa tv. hahaha And then nung nagsisip-sip na kami ng coffee, nakita naman namin si Will Devaughn kasama si Rizza Santos. Wala lang. hehe. Masabi lang na may nakitang artista. hahaha.
Then ayun, go, go, go na sa The Dark Knight (which I loved, panoorin nyo din! Galing ni HL as Joker!!! Natakot ako sa kanya at kanyang pagdila ever!). Habang nanonood ng trailers, kinalabit ako ni Jimboi sabay nguso, si Sam at Anne oh! Totoo nga! Sa row sa harap namin, andun silang dalawa. Magpapaautograph sana ako kaso parang mayLQ sila so nahiya naman ako. ahihihi.
Kinabukasan, nood naman kami ng Mamma Mia! (fun, fun, fun, napapakanta pa ko! hahaha). Sa GB ulit. Habang nag-aantay, nagtime zone muna kami ni Jimboi. At nasightaloo namin naglalaro sina Brent Javier at Karen Pamintuan (ng Chill Spot sa ETC). Mukhang sila. Bagay naman sila infernes, pareho silang maganda goodlooking! ahihihi.
Akala ko dun na matatapos ang aking malecelebrityng weekend. Nung papunta na kaming parking, may isa pa kaming celebrity na nakita.
Si Mystica.
(Ay mali, kamukha lang pala. hahahahaha. Pesensya madilim.)
Best Milf Hook Up Websites ES
4 years ago


7 comments:
ay happiness ang schedule, peppered with starrs pa talaga. sha, i will really watch batman at mama mia. palabas na dito, wala pa lang akong kasamang manood. pwes, aayain ko si mystica!
Bongga ka mare! Ang celebrity encounter ko last weekend was Aljo Bendijo lang. Hihi
kainggit ka naman. akalain mong hindi ka nga busy at nakapagliwaliw ka ng madaling araw? hehe
sayang, d magkasama sina mystica at madam auring. box office sana un.
hahaha. baka naman nasa dugo mo talaga ang mag-artista kaya ganyan. hehe
dumaan din ako ng rockwell last week, celebrity encounter: regine tolentino with his asawa na celebrity na di ko na maalala name
then tuloy sa sm sa the block, celeb encounter: jay-r, i had an autograph hehe
Ang daming happenings ah!
@gibo wala pa ding tatalo sa sched mo nung andito ka sa manila! hehe kurek, go, watch! :) sasamahan kita pero libre mo ko plane fare! hahahaha
@mel hahaha. Mare, bongga din naman si Aljo ah! hihihihi
@jm sabi sau bawal maging busy eh! hahaha. actually magkasama sila, nagCR lang daw si Madam Auring kya di ko nakita! wahaha
@jericho namench! of corz, artista kaya ako nung araw! hahahaha sampaguita pictures itu! ahihihihi
@leviuqse si lander vera-perez ba yun? hehehe si jay-r ilang beses ko na nakita. tas nakasabay namin sya magbora dati. mabait nmn sya, ismayl, ismayl, kaway kaway pag kinawayan, ayun lang. hehehe
@joms hahaha, nagkataon lang na madaming nakitang artista. hihihihi :p
Post a Comment