Tuesday, June 3, 2008

Ano ang laman ng chinese thingie? A gift hunting activity.

Naisip kong gawan si Jimboi ng mini treasure hunt of sort dahil mahilig naman sya sa mga ganun. Ang laman ng box? Singsing? Yan din ang inaasahan kong maging hula ni Jimboi nung ibigay ko sa kanya yan.




Pero ang tunay na laman ng kahon: susi ng cabinet namin. Kailangan nyang subukan kung alin sa apat na pinto ang kayang buksan ng susi.



Sa loob ng cabinet, may note: "Look inside our treasure chest upstairs." na nakalagay dito:



Patakbo pa syang pumanik sa taas at dumeretso sa plastic chest na lagayan namin ng mga libro. Natatawa ako habang naghahalungkat syang parang basurero. Nang wala syang makita, nangiti sya at lumapit sa bago naming juvenile cabinet. Akala nya ang next clue na ang mahahanap nya dito. Ngunit pagbukas nya, ito ang nakasabit sa loob:



Tanong nya, pano ko bubuksan to? Sagot ko, sirain mo yung running stitch. Napangiti sya sabay sabing parang alam ko na ang laman nito.


Ano nga kaya ang laman ng chinese-chinese shirt?


+/-


Wedding bands itu? hahaha. Yez, dahil echosera ako, feeling ko lang ikakasal na kami! Walang pakialaman ng gift ng may gift! Inferness, pinageffortan ko to! ahihihihih

At syempre hindi maaaring wala ang dear ate charo letter na nasa loob din nung chinese thingie.

Habilin ko sa kanya, kahit magbreak na tayo, wag mo to isasanla ha? hahahahahahaha


21 comments:

... said...

mare kelan ang kasal? magpapatahi na ako ng dress ngayon at busy masyado si monique lhuillier.. hihi. may coloring ba na nangyari after the gift-giving? lol

PrincheCHA Fiona said...

@mel hahahahaha. mare sa year 2222 ang kasal! Ako kay mareng vera wang lng nagpagawa ng gown eh! ahihihihihihi. wlang coloring eh. haha. may mga lakad kmi nun, sayang! ahihihi

George said...

malandi! hahaha! katok ka sa balay for your pasalubong na pili-churvah! mwahugs! :)

wanderingcommuter said...

parang crystal maze lang ha?! hala curious tuloy ako kung ano talaga ang laman... hehehe

[G] said...

haha ang una kong hula, dahil nasa loob sya ang cheongsam, ay tickets to beijing for the olympics!

oh well, go for gold, magpakasal!

JM said...

duma-Da Vinci Code tlga? hehe
dapat 100 clues before makuha ang prize! tapos buong Pilipinas ang sakop. Tapos ipa-live telecast natin. May Live feed pa via the chopper para alam kung nasan na siya!

PrincheCHA Fiona said...

@erik hahaha, may ganung lande si bakla, maze-mazean lang! ahihihihi. Clicky the clickythingie para malaman ang laman! hehehehe

@gibo ahhh cheongsam pala ang tawag dun! pasensya, wlang kultura ang princhecha! wish ko lng nga makapanood ng olympics, pero di pa ko ganun ka winner para magregalo ng tickets to beijing! ahahaha. di din nmn sya sporty. Half chinese kasi si jimboi kaya yun ang naisip kong kyeme! ahihihih.

PrincheCHA Fiona said...

@jm hahahahha, maeenjoy nya yun! hahaha tas dapat takbo langoy lng, bawal sasakyan/barko/eroplano! hahaha pagkuha nya ng gift lantang talilong na sya! hahahaha

. said...

Aww ang cute naman may singsing. Anong reaction ni Papa Jimboi after?

Dabo said...

pede bang ma-engget.. lol :0

PrincheCHA Fiona said...

@joms hahaha syempre natuwa sya sa ring at sa love letter. :p una nyang sabi bat daw ang mahal pa ng binigay kong gift. hihi tas jinoke nya ko bat daw yung ring ko may diamond yung kanya wala! hahaha

@dabo naman! :p gusto mo gawan din kita ng gift hunting? :) game! ahihihihi (adik magprepare ng treasure hunt?! hahaha)

jericho said...

ang taray ng cheong sam. chinese wedding ba ito? .. next gift: dimsum! chos!

Dabo said...

ano.. treasure hunting? ala tomb raider ba ang attire!! lol :)

PrincheCHA Fiona said...

@jericho oh yeah, chinese wedding itu!!! :P though kelangan ko magpasinkit muna ng mata, para kumpleto epektos! ahihihi

@dabo naman! kung keri mo ba isuot why not? ahihihihi pepe shorts anyone? hahahaha

blackdarkheart said...

hmm naintriga ako sa laman sa loob! isa ba syang "toy" na pinagusapan naten dati? TikoY?!(wahhh).
ay naku, suspense kasi kaya ang daming gift ideas ang pumapasok sa utak kow. sabihin mo na.... T_T hirap manghula

last try: ck underwear? Basta siguro branded.

Dabo said...

lol :)

PrincheCHA Fiona said...

@nate anuveh, tlgang toy ang naisip na laman? At tikoy? ahahahahaha. click mo kasi yung +/- para malaman ang surprise! ahihihihi

Marcus: Bading Down Under said...

Cute, a!

blackdarkheart said...

waaa.ngayun ko lang nalaman na clickable(may term bang ganun)pala yung +/- na sign! ampness! till death do us part ang drama naten fionah ah! sana may magigift din sa akin na ganyan para isumpa ang foreverness sa akin! LOL!

odin hood said...

waw gusto ko rin mag treasure hunting....

PrincheCHA Fiona said...

@marcus Ako ba yung cute? ahihihihi. thanks, thanks! :p

@nate hahahaha ganun tlga drama kung drama! haha... sabi sau bata ka pa, may darating na ganyan! ahihihi

@odin ikaw din? cge, after ni dabo ikaw naman gagawan ko! Basta nakatomb raider outfit ka den ha? Ahihihihihi