After 25 years, may I continue na sa kwentong goto. Oh well, bukod kasi sa antagal ibigay ni Georgette ang pictures (na nde pa den nya binibigay, ninakaw ko na lang ang mga pektyurs), medyo busyness ang princhecha lately.
So ayun na nga, after namin muntikang maligaw sa paghahanap ng gotohan nung nagpunta kami sa Tagaytay, eh nagdecide na lang kami
bumalik. Pagdating namin sa rotonda, lo and behold, ano itu, ano itu! Goto ba ang hanap mo Jimboi? Ayun oh goto bar!
So kami naman ay nag-go to na sa goto bar. Actually, Sanctuario Cafe ang pangalan. Mapagpanggap tong restawrant na to. Sa labas, parang wala lang. At ano ba naman ang unang papasok sa isip mo pag narinig mo ang salitang goto at bar davah?
Pero pagpasok, lalo kung perstaymer ka tulad namin (na di sadya ang pagpunta, so walang expectations), magugulat ka dahil ang akala mong hohum na labas ay may i
tinatago palang ambiance sa loob! Coolness! May tatlong palapag ang Sanctuario kung saan antique-antique ang kyeme. Sa basement, may indian chuvaloo. May overlooking chenerlyn din sya at may winding stairs papunta sa taas. Maganda, masaya ipikture-pikture! Sowcial!
Italian-Pinoy ang theme ng pagkain. Neytib na ginawang gormey. At dahil napadpad kami dito dahil sa goto, naturalmente goto ang inorder ng mga kasama ko. Pero iba trip ko. Since nandito na din naman, at mukha namang masarap ang foodaloo, may I try ako ng bangus carbonara. Masarap sya in ferness! Though medyo konti ang serving (oh dahil ba
matakaw lang ako pinatikim ko sa iba), tsaka parang di ko mahanap yung lasa ng bangus. ahehehehe Pero swear, masarap! Nakitikim din ako sa goto na may tuyo and yes, pasado sa aking uninitiated taste! At ang pinakanagustuhan ko, ung hot tsokolate! Mmmmm, sarap! :)
Service is also great (siguro dahil na din anong oras na yun at dalawang grupo lang kaming kumakain)! Not to mention medyo cute yung waiter na si Mark. ahihihihihi.
All in all, ok yung experience sa Sanctuario. Balak namin bumalik at itry ang iba pa nilang pagkain (kahit pa nalaman ko apparently na may branch sila sa Metrowalk).
Best Milf Hook Up Websites ES
4 years ago


5 comments:
Ginutom tuloy aq. Mapuntahan nga yan. Lol
nagutom rin ako.
@mel and joms tara kaen tau sanctuario? =p libre ko kau goto! ahihihihi
How I wish I can goto - sa Pinas, that is. One of the things I really miss... sigh.
ateh, you want pafedexan kita ng goto? ahihihihihihih
kung may goto delivery lang sana sila papuntang down under, papadalhan tlga kita... :)
pag-uwi mo, sabihan mo ko, libre din kita sa gotohan. hehehe
Post a Comment