Becoz of my super brilliant joke/suggestion, flylaloo kami sa Tagaytay para magkape, madaling araw ng Sunday. Kamusta naman sa trip di ba? Oh well, dahil matagal na din naman namin balak ni Jimboi gumora sa the-other-summer-capital-of-the-Philippines, keri na, GO lang mga bekbek!
So habang lumalarga kami sa Skyway at nagkukuwentuhan/halakhakan, anu itu, anu itu! May biglang may-I-cross-the-road ang isang pussyketket. Too late na nakita ni Jimboi (sino ba naman ang mageexpect ng pusa sa Skyway?!) kaya ayun, bog, blag, blagadag! Bye, bye pussyketket! Harshness no? Sorry naman, accidente. (So sa inyo na nawalan ng puting pusa, si Jimboi po ang may sala.)
After nun, wala ng masyadong kaganapang nangyari sa SLEX. Kahit kinakabahan at baka sarado na, nakarating naman kami safely sa Starbucks Tagaytay. Di kami masyado dumayo noh? Para lang kaming bumili ng suka kila Aling Heidi.
At dahil nde ako mapagcafe, tall-passion fruit-hot-tazo-tea-for-fiona
na lang. Nde ko lang alam sa aking mga frenships, parang nde sila tinatablan ng lamig ng Tagaytay at iced chuva-chuva pa talaga inorder nila. Oh well, ba't ba ako nangengealam, di naman ako nagbayad ng order nila. ahihihih.
So konteng picture-picture. Madaming joke-jokan (na syempre ako naman ang bangka). At inom-inom lang ng kape/tsaa.
Pero wait lang. Asan ang view? Madilim. Di ko kita. Leche. Anyways, at least masabi lang na nagStarbucks sa Tagaytay, ohwehnungayun kung di sightchina ang view-view? Panalo ang potah!
So after magkape, nagyaya naman mag-goto si Jimboi. Di pa kasi sya kumakain. Malay ko ba kung san may gotohan dun davah? So tanong-tanong.
Jimboi: Manong san may gotohan dito?
Manong: Kaliwa, kanan, kaliwa, chuva-chuva direksyon, malapit lang, after 5 minutes po andun na kayo. Basta sa may Mahogany chuchu, may mga gotohan at bakahan.
Eh di sya, follow the directions closely kami: kaliwa, kanan, kaliwa, chuva-chuva. Madilim ah inferness. At walang taong pwedeng pagtanungan ulit. After 5 minutes, wala pa din gotohan/bakahan. Madilim pa den at wla pa din pwedeng tanungan. After another 5 minutes, bwakanangina, naligaw naman ata kami. Balik na lang. May Chowking na bukas naman ata sa SLEX eh. At for sure, dun maliwanag, may tao, at may lugaw-lugaw. Paksyet.
So san kami nauwi para mag-goto? Ang sagot sa next post. Di ko pa nakukuha yung pics kay Georgette eh. ahihihihi. Ayun na. Babuush!
Best Milf Hook Up Websites ES
4 years ago


4 comments:
wahaha. naalala ko tuloy ung kwentuhan namen ng mga "former friends" ko:
"punta tayo ng Hongkong,magkape tayo!"
ang sarap ng green tea with hazelnut syrup at blended whipped cream sa starbucks. parang ice cream ang lasa nun, try mo!
nathan h shamashu
haha kakatuwa..hala kayo sa pusa mumultuhin kayo nun hahaha.
buti na lang di kayo naligaw ng tuluyan nang dahil lang sa goto
Haha sana nagpaumaga na kayo sa Tagaytay. Pangarap ko yun. :)
@nathan tlgang sa HK pa tlga? ahihihihi. cge,cge try ko yung green tea next time. thanks! Promise, masarap? :) hehehe
@sendo naisip ko nga din yun eh. tas pag andun kmi sa loob ng car, bigla na lng kmi may maririnig na ngiyaw. katakot! hahaha And yes, mas mabuti ng bumalik kesa maligaw. ahahaha
@joms sana nga eh... kaso may binyagan pang aatendan sila Georgette eh. Pero medyo umaga na din yun, kasi 5:30 n kmi nakauwi. Di bale, sa susunod... gusto mo sumama? ahihihihih
Post a Comment