Dahil 7am na ko nakatulog, borlog ever ako maghapon nung Saturday. Ginising ako ni Jimboi ng mga 1pm dahil nagtext daw sa kanya yung friend/shopetbalay kez na si Georgette: "Gandang hapon. Andyan po ba si Fiona? Pakisabi sunod na lang sya kila Jayelo".
Nung binuksan ko ang nyelpon ko (may topak, namamatay-matay, in short jologs.), may mga naunang messages pala sya sa akin. Sabi nya na yung friend namin na si Jayelo needs us now. (Medyo alam ko na na tungkol sa work to, dahil narining ko na ang chismax.) May isa pang text sabi magsiswim daw sa condo nila Jayelo tas magvivideoke after. Isama ko din daw si Jimboi. Eh di ko feel magswim-swim kasi di ako nakapagshave. Ang panget naman nakatwo-piece ako tas andaming buhok-buhok. Ewwness! Sabi ko go kmi sa videoke, so kita-kits na lang sa condo ng 5pm. Instant lakad itu! Kaladkaring bata! =p
Nakabihis na nun si Jimboi kasi maggygym sya. Sabi ko mauna na ko kila Jayelo, tas siya eh sumunod na lang after nya magwork-out.
Pagdating ko kila Jayelo tapos na sila magswim at nakabihis na sila. Andun si Georgette, yung bf nya na si Lorenzo at si Hello na bestfrend ni Jayelo. So konting bitch and moan session muna habang lumalafetch akez ng spaghetti at fruits (by that time di pa ko nagbebreakfast at lunch, so pg ang drama kez).
After nun, nimeet na namin si Jimboi at nagpunta na sa Providence Tower kung saan kami magvivideoke. Eto lang ang masasabi ko sa Providence: mura, medyo mainit, madaming tivoli, mura at madaming tivoli. Ahihihi (Dito pala, 5 pesos lang per token, tas hulog-hulog chuvaloo yung machines nila. High tech! ahihihih)
So pataasan ng iskor ang kontes kya birit-biritan ang lahat! Goodluck naman sa it's all coming back to me now na sinigaw kinanta namin ni Jayelo davah! At nde kami nagpakaadik, 50 tokens lang ang naubos namen. ahihihihihi At ang highest scorers, tie sina Jimboi at Georgette sa 99 (pero pag average scores ang kinuha, ako ang panalo! Puro kaya ako line of 9! Well, except sa isa na 88 alng ako, pero di yun counted kasi di ko naman gusto kantahin, nirequest lang. ahihihihihi competitive!)
Then, nagyaya sila Jayelo na magcoffee sa Starbucks dun sa malapit sa condo nila. So gora kami dun. Pagarrive namin, sabi nya, parang gusto ko sa may view, lipat na lang daw kami somewhere- dun daw sa may Manila bay area, may Starbucks na may view. (may view-view pa na nalalaman si bakla!)
Nagjoke ako, may view ba kanyo, ba't di na lang sa Tagaytay tutal may dala namang caroo si Jimboi?! Isa lang masasabi ko: masama palang binibiro 'tong mga 'to.
Best Milf Hook Up Websites ES
4 years ago


No comments:
Post a Comment