I know super late na halloween post na ito. Hahaha. Pasensya na.
Ladies and gentlemen, I'd like to introduce Yaya (kaorkot edition)
Eto ang pustura ko sa office nung Oct 31, pinaghandaan ang pagtitrick-or-treat ng mga bata. Effort kung effort sa pagmumuk-up, spiel, and all pero in the end di sila pumunta sa department namin. Inis. Nasayang lang ang mga candies, kami lang din ang lumamon, at hanggang ngayon nde pa din ubos, andami pang lollipops na natira (nagsawa na nga ako sa kakapractice eh). Para nde masyadong masayang ang muk-up, nagphotoshoot na lang ako. Hahaha.
And now meet Angelina
After office, diretso kami sa Shake, Rattle, and RUN! The First Halloween 5K Night Fun Run sa Bonifacio Global City. At dahil costume-costuman itu, I decided to come as a running faery! ahihihihi. Pink kung pink ang wings at pink na pink ang feather headdress. Pink din ang aking towel, undies at energy drink! hahaha. Promise tumakbo ako ng nakaganyan. Hahaha.
O eto pa, silipin nyo tong mga ninakaw ko na pictures... (sorry po, wla ako dalang cam nun eh. tsaka sorry na din kung sino man kayo na nasa pictures, wag kau magalit sa akin, nisheshare ko lang ang ineffort nyong costumes. peace. haha) enjoy! hihihihi
Wonderwoman and Spartan Warrior
Find the Igorot guy
Ahem, child abuse ba aabutin ko sa kanila? Ahihihi
Cupid? Gardan Angel? ahihihihi
(Sayang, wala akong nakuhang picture ni towel guy, na tumakbo ng, oh well, nakatapi lang ng towel.)
Next year, runaway bride cguro ang drama ko! ahihihi Ayun lang. See you sa next race! Ready, Set, Run!
Wednesday, November 12, 2008
Si Angelina at si Yaya - Halloween Effectlavoo
Friday, November 7, 2008
Kwentong Takbuhan
Bago ang kwento, kanta muna tayo, dedicated sayo.
You say, that you've always been true
Lookin' in your eyes, I see you lie
You're trying hard to hide that
There someone new you found and,
You want me to believe that you still care
How can you hurt me this way
Everything I knew was lovin' you
How could you try pretending
Your love was never ending
Now you can't even say that you will stay
How, how could you say you love me
When you would go and leave me
How could you make me hurt so bad
When I have loved you more than anyone can do
Can't believe the pain
That I'm feeling now because of loving
I can't seem to understand
How can love me so unkind
Still you broke my heart
Despite what I've done
Still my love was not enough
Though I given you my all
I can't take it anymore
O stop na ang atungal. Syet.
May isang blogger na nagtanong sa akin a few weeks ago, ba't parang hindi na daw ko tumatakbo. Actually, nde lang ako nagkukwento pero madalas pa din ako tumakbo. In fact, bawat lingo ng October may sinalihan akong takbo. At sa apat na takbong yun, apat na libras din ang nawala sa akin (pero yung 2 pounds na-gain ko ulit bwiset!).
Takbo Breast Friend nung Oct 5 (around Ultra, Meralco Ave, J. Vargas, C5 then back to Ultra). Sponsored ng Soroptimist. Breast cancer awareness ang advocacy ng run na to. Before ang takbuhan, tinuruan kami kung pano mageksamin ng suso, na kelangan daw gawin buwan-buwan, mapa lalaki o babae. Alam nyo ba na may mga lalaki din na nagkakabreast cancer? Sabi yun ni Ate na nagturo ng limang isteps para sa tamang pageksamin ng suso (pero dahil nde ako nakikinig, di ko na maalala yung mga isteps.)
Wla akong tulog bago ang race, pero siniguro ko na bagong shave ang aking mga legs. Para pag suot ko ang aking short shorts eh maganda tignan. At dahil halos lalaki ang mga kalahok (mga estudyante at mga pulis) at kokonti lang kaming, ehem, babae, lagi akong nililingon. Dahil ba seksi ako tignan from the back at maganda ang butt ko?! Hmpt, kainis. Pero mas kainis dahil pag tapos nila ako iovertake at lingunin, parang sila pa yung maiinis. Baket, dahil wala akong breasts? Mga hampaslupang manyak! hahaha.
Anyway, napagod ako ng husto dito sa race na to, dahil may uphill na sobrang haaaaba. As in pinagisipan ko talaga na makisakay na lang sa ambulansya at hindi na tapusin ang race sa sobrang pagod ko. Pero natapos ko pa din. Dahil dun sa cute na kapace ko na estudyante ata ng PNPA. hihihihi.
Adidas King of the Road sa the Fort nung Oct 11. Another sleepless race for me. At late kami ng mga 12mins. Ang magaling kasing si Jimboi, hindi nagpaalarm, at sinisi pa ko na hindi ko sya ginising. At yung dadaanan namin eh dadaanan din ng mga 10k at 21k runners kaya sinasarado yung daan. So ayun, napilitan kaming magpark na malayo sa starting line. So imbes na 5k lang ang takbuhin ko, naka-7k ata ako nun. Tsaka nakakahiya dahil nung papunta pa lang ako sa starting line at kasalubong ko yung mga tumatakbo, sinasabihan ako na the other way yung race (naman. as if hindi ko alam na against the flow ako di ba?!). Anyway, medyo mabilis ako sa race na to. Yun nga lang, dahil late, ampanget ng official time ko. At walang tubig, buti na lang may dala akong sariling energy drink. Hmpt.
Botak Paabilisan sa the Fort nung Oct 19. Stand up and take action, support the Millennium Development Goals naman ang advocacy ng takbong ito. About sa pagtulong sa mga ina at sa pag-aaral ng mga kabataan. Hindi naman totally sleepless ako sa race na to, may 2 hours of sleep naman ako dito. Maganda ang race singlet, kulay orange at black. Nakakatuwa dahil may mga Star Troopers na todo costume na nakitakbo kahit hindi naman costume-costuman effect ang run. Pero kaaliw pa din sila. Ang nakakairita ay yung ibang marshals dahil nung papunta na kami sa starting line, ang sabi nila pang 10k lang daw muna. So kami naman eh umalis at nagpicture-picturan muna sa mga Star Troopers at nagliwaliw lang. (Nakita ko din si Elma Muros kaso nahiya ako magpapicture. Hihihihi) Turned out na magkasabay palang tatakbo yung 10k at 5k runners. Hmpt. Naubusan tuloy ako ng hininga kakahabol sa mga nauna ng runners. Kainis. Competitive pa naman ako! Hahahahaha.
Yung last na takbo ko for October sa next post ko na ikukwento. Inaantok na ko eh. Hahaha. O sya babush muna mga Ateng!
See you at the next race. Ready, Get Set, Run!
Monday, October 27, 2008
10/27
I woke up this morning and I remembered the date. I felt sadness creep inside me. It came without warning. I should have expected it.
Today should have been our fifth year together. But today we are not.
Oh well, sabi nga nila...
pasintabi sa mga kumakain
Monday, October 13, 2008
the end
A hunch.
270 peso cab fare.
Easter egg hunting with the erring partner.
Busted - telenovela style.
The end.
Princhecha is now single.
Saturday, September 27, 2008
Circles and Squares
Let's go back around this time, year 2003...
Twenty na aketch nun, pero virginia wolfe pa din ang drama. Though I was not really seeking for the experience. Pagurl kasi si bakla! Di naniniwala sa casual encounters. Gusto may feelings involved. Choosy, ayaw ng basta-bastang churchur.
Super closey-closey na kami ni Jimboi nung mga panahong to pero di pa kmi. Since mageend na ang sem nun, madalas kami magsleep-over gawa ng mga papers na tinatapos namin.
So sa isang overnight chuchu para sa isang project, magkatabi kami sa pagtulog.
Nacurious ang Princhecha. Nakabasa kasi ako ng isang article sa Cosmo. So inisip ko na itry kung totoo ba.
Sabi kasi sa article, nakakaturn on daw sa isang guy pag magtetrace ng kung ano-anong shapes sa chest at abs.
So ayun na nga, habang natutulog si Jimboi ay sinubukan kong magpractice magsketch. Doodle-doodle si bakla. Ginawang drawingan ang dibdib at tyan ng pobreng natutulog.
Small circle, small circle, big circle. Aba, aba, aba, napansin kong lumalalim ang hininga ng human sketchpad. So sige pa sa drawing, malapit-lapit na ding matapos ang obra maestra. Squares, squares, lots of squares.
Naglalagay na lng ako ng mga finishing touches - a few dots here a few dots there ng biglang - OMG! - hinawakan ni Jimboi ang kamay ko. Nagulat ako, kala ko magagalit at pipigilan ako.
Pero mas nagulat ako! Kinuha nya ang kamay ko para pala ipadama na may ibang nagalit dahil sa drawing exercise ko.
Natigilan ako ng ilang saglit.
Binawi ko ang kamay ko and I stormed out of the room.
Hindi pa ko ready, malay ko bang effective pala ang turo ng magazine!
Hindi ko alam ang gagawin ko! Stupid I know, pero napaiyak na lang ako. Pagurl talaga ang bakla! Drama queen ang moda.
Naisip ko kasi na nakakahiya. Nag-isip ako na baka magkailangan na kmi ni Jimboi at baka masira ang aming friendship.
Lumabas din sya ng kwarto. Nagpasorry sya. Pero mas nagpasorry ako. Sabi nya matulog na lang daw kami at wala yun.
Kinabukasan, nag-usap kami at napagpasyahan naming kalimutan na lang ang nangyari...
End of story.
Bitin kung bitin gaya ng pagkabitin ng nabitin sa biting drawing exercise.
p.s.
Asa naman na makakalimutan lang ang ganung pangyayari noh! Syempre churva material din yun! ahihihihi
At syempre nde rin naglaon, nang maging kami, eh natapos at natapos din ang obra maestra. But that's another story... :p
p.p.s.
Lesson learned, maniwala sa Cosmo. Effective ang tips. Tried and tested.
But kids, don't try this at home. Or do.
Friday, September 19, 2008
Excuse Moi
Shoesmio! Nayanig na ang mga institution sa Wall Street nde pa din ako nakakabalik sa tamang wishoe, anuver!
Anyway, gusto ko lang kayo kamustahin.
At saka pala konting kwento na din.
Nung isang araw, napagpasyahan kong magbus pauwi (madaling araw na kasi ako usually umuuwi kaya madalas ako mangwaldas ng pera sa cab).
So ayun nga. Pumara na ng bus. Sumakay. Naghanap ng cute na matatabihan. hihihihihi. "Shaw po." sabi ko sa kunduktor sabay bayad.
Sa sobrang pagod, di ko na napigil maidlip sa bus. Nagising na lang ako ng makarinig ako ng mahinang "Excuse me. Miss, excuse me...". Antok-antok akong nagbigay ng puwang para makadaan si cute, thinking na baba sya.
Ngumiti lang si cute at lumipat ng upuan sabay sabing "Shaw na.". Nagulat at biglang gising ang malay ni bakla, sabay tayo at dagling baba ng bus. Hindi man lang ako nakapagpasalamat kay excuse-me-guy. Nakakawala pala ng manners ang puyat. Kung hindi nya ako ginising, malamang umabot ako ng Cubao o North Edsa. haha. Ni hindi ko man lang sinuklian ang ngiti nya ng mas matamis na ngiti o kahit flying kiss man lang.
Pero huli man daw at magaling, kung nababasa mo to mamang pogi na gumising sa akin, thank you ha!
----------
Birthday ng kaibigan ko at magpapaparty sya sa Sabado. Open mic daw with a live band ang drama. Tas dahil mayaman naman na sya, naisip nya na imbes daw na dalhan namin sya ng gift, magdonate na lang daw kami ng cash para sa isang outreach ministry na napili nya. Shushal, may philanthropic kyeme pa itong nalalaman.
Pero nde pa ko sumasagot sa RSVP nya, nde ko pa kasi sure kung pupunta ako. Una, may takbo kasi ako ng maaga sa Sunday. Pangalawa, nde pa ko nakakapagpractice ng production number ko para sa open mic at nde pa tapos yung costume na pinatahi ko, ahihihihi. At ikatlo, wa akong ninoy na pambigay sa charity. Nakakahiya namang magsobre ng limang tigbebente.
----------
Ayun lang muna ang update ni princhecha. Malapit-lapit na siguro ang totoong pagbabalik.
Friday, September 12, 2008
Kunek d dots
Lately I'm feeling extremely exhausted.
I'm lacking quality sleep, when I wake up I feel I haven't even slept a wink.
Now I am taking the late afternoon-early evening shift at work.
I have finished my reading list.
I have watched all the tv series (c/o my dvd pirata/suki).
I get Jimboi irritated when I unintentionally interupt his slumber.
He gets me irritated when just as I'm about to finally snooze he starts to prepare for work and would chat me up asking what I think about this or that.
We haven't had our labing-labing for quite some time now.
My insomnia is worse than ever and I hate it.
Friday, August 29, 2008
In case you're wondering, buhay pa ang princhecha, nakakatakbo pa, thank you girls very much!
Pasensya naman at eons ago pa since last akong nakapagupdate ditey. Wala naman akong excuse para nde mag-update, andami ko ngang topics na bet iwrite, pero ewan, nde ako makasulat.
O sya cge, meron akong excuse. Wala kasi akong jinternet kunekshun ngayon sa balaychina. hahaha. Pasensya, hampas lupa. Sa office naman nde ako makapagconcentrate. Ang hirap kayang magpretend na busy sa work habang sumusulat lang pala ng novela sa blog! Ahihihihi.
So ano palang updates meron aku?
Ayun, nagmega run pala ako ng aking ikajopat na race evah! Ang Run4 Ur Lyf. Ayon sa website ng organizer ng run: "The campaign for a picture based health warning in tobacco products through the fun run last August 17, 2008 at the UP Diliman Campus was one big step in advancing the cause. With more than 500 participants, the Run 4 Ur Life raised awareness on and increase support of the Picture Based Health Warning Bill pending in the Senate and in the Congress."
Knowings nyo na ba 10 Filipinos die every hour due to cigarette smoking? Wala namang magiging gastos ang gobyerno sa picture-based health warning, ba't hindi pa ito ipasa?
Anyhoo, ano naman ang mga kaganapan sa run? Ayun, unang stop pa lang para sa pagkuha ng tubig (which, mind you, is tinatabo lang galing sa drum papunta sa mga cups, so kung hindi lang uhaw na uhaw ka na eh di mo maiisipang uminom! hihihihi) ay natapilok na ako! Yung aking chronic ankle sprain ay nagbabadya na naman. Buti na lang at naka ankle guard ako pag tumatakbo kaya nde naman masyado nainjure ang beauty! Yun nga lang, mas bumaba ang aking time! More than 40minutes ko natapos ang 5k!
Pero froud naman ako sa aking Jimboi! Kahit pangalawang race pa lang nya to, muntik na sya magplace! Shushalin! May potential si lolo! I'm froud! :p Konting practice pa eh feeling ko magkakamit sya ng medalya! ahihihihi...
At dahil nagpramis ako na manonood, kahapon ay nagtungo ako sa Cine Adarna sa UP para manood ng premier ng the Thank You Girls! Bongga! Nagdouble shift ako nung nakaraang araw para makaliban sa pasok (pero pumasok pa din naman ako after... hahaha), nagpamove pa ko ng conference call para makapunta inferness! Pero sulit ang panonood!
At dahil sabi ko nga sa dati kong post na nde ako marunong sumulat ng film review ay nde pa rin ako magaattempt na gagawa ng isa. haha.
Basta masasabi ko lang, job well done Bebs! :) Magaling, magaling, magaling! Ilang beses akong napahagalpak! Kakatawa siya ha! Nakakaaliw ang mga lines. Bentang-benta! At halatang pinag-isipan! Clap, clap, clap! At hindi lang buhay tyg sa mg ang pinakita. Ano-ano pa yung mga yun? Aba, panoorin nyo na lang to find out! hihihihi.
Nakita ko din si Coco Martin! Naman! Kilig to the bones (with maihi-ihi effect) ang beauty ng princhecha, too bad nga lang nde ako nakapagdala ng digicam! Kainis!
At nakapagpaowtograph din ako kay direk! Hahahaha. Magiging collectors item din to balang araw! hihihihi
Tsaka may bonus na free CD pa pla ng Roxymorrons. Oh di ba sulit? hihihihi
Last but not the least! Natupad din sa wakas ang matagal ko nang inaasam. Pangarap ko na nung bata pa ako na makita ang pangalan ko sa mga film credits, kaya lo and behold, halos mapaiyak ako sa gulat at tuwa ng mabasa ko ang pangalan ko sa pinilakang tabing! Kulang na lang magsusumigaw ako sa sine! Hahahaha
So sa mga nde nakanood, watch kayo pag pinalabas na sya sa sinehan. Abangan ang Advance Screening sa Sept 23, 9:00pm sa Robinsons Indiesine. Ang regular screening ay sa Sept 24-30. Don't miss the chance na mapanood ang future international award winning film na itu! ahihihihihi.
Sambahin nyo sila! Char lang! :p
Kitakita sa races at sa cinema! Babuu!
(At, mahal ko kayong lahat! May ganun? hahahaha)
Tuesday, August 19, 2008
Wag si Bakla?
A few days ago, I met with two of my friends (one girl, the other a PLU who just came out to us late last year).
While eating at Green Tomato, our conversation led to Project Runway.
Naturally, I told them who my favorite designers were and also said that I find Eli (which according to the PLU friend is pronounced as ee-lie (parang ilaw na ginawang y yung w) and not Eh-li) cute and is my new crush.
And then he blurted with a little hint of a disgusted tone: "Wag, yun! Wag yun! Baklang-bakla!"
Napataas na lang ang kilay ko, sabi ko: "Oh eh ano naman."
"Tsaka parang jologs daw. Basta sobrang layo nung itsura nya daw sa personal dun sa pictures nya sa net. Nakadate na yun nung friend ko eh. Turn-off daw nung nagkita sila sa personal."
Fine. So bawal na magkacrush sa bakla? Eh hello bakla pare-pareho naman tayong bakla? Sa tomboy nga nagkacrush ako once, sa bakla pa kaya?
Tsaka hello crush lang naman, vahket kelangang gawan ng issue kung baklang-bakla ang isang bakla? At ano kung type nya magpose ng panlalaki sa kanyang mga pictures. Masama?
Pati pa ba naman sa kung sino ang pwede maging crush kelangan may discrimination? Naman. Tigilan ako.
Basta sa akin, ang cute ay cute kahit pa effeminate, straight acting, lalaki, babae o tomboy.
p.s.
Hindi ko na crush si Ee-Lie, hindi dahil sa baklang-bakla sya kumilos sa Project Runway, kundi dahil inaaway nya si sister Veejay! Hmpt! Pero bet ko pa din ang kanyang mga star tats. hihihihihi
Tuesday, August 12, 2008
Hiphop vs Waltz
Why?
Because I only got to see the final half of the musical! (Dammit, the scene I was very much looking forward to seeing, the one when Cinderella is magically transformed into a princess (glittery gown, tiara and all), the pumpkin and rats turned into the carriage and horses, that part I did not get to see!!!!! Imagine my disappointment!)
Why wasn't I able to see the first act?
Because we were sooo late!
And why were we late?
Because someone decided to attend his hiphop class (at 11am-12pm) and then join his classmates eat at a fast food restaurant afterwards (fully knowing that we are seeing the matinee show which starts at 3pm). Anyone would know that this is such a brilliant decision, right?
Afterall, dancing to the groove is way better than watching silly actors (some Tony award winners at that!) dance waltz! Eating chicken joy instead of (for that particular someone) sleeping in your seat with world class performers humming your lullaby.
So yes, attending hiphop classes which are held everyday is a wiser act than being able to watch all of Cinderella (which has Manila as the first leg of the Asian tour which means we are seeing a world premier) that would only run until August 24.
Did I mention that the hiphop classes come in free with gym membership while you actually have to pay for your tickets to watch the play so not missing on a hiphop class is more clever a move than missing half your ticket's worth.
And yeah, I wasn't enraged last Saturday afternoon, I was fucking fuming mad.
======
I am not angry anymore, someone's feeling guilty and texted "I love you so much! Sorry po about the Cinderella. Sorry talaga.". Hope he feels terribly sorry that he'd make up by buying me a ticket to the play so I could see its entirety. hahaha.
Saturday, August 9, 2008
Remember me this way
...Every now and then, you'll find a special friend...
Alam nyo ba yung pag may narinig kang kanta or naamoy na scent, suddenly you are taken somewhere, sometime in the past?
Naganito ako nung isang araw. Habang papunta sa office, pinatugtog sa radio yung kantang Remember Me This Way. Bigla-bigla na lang at walang pasabi, memories of the past came flooding in. (Time space warp, ngayon din!)
Baguio. First year high school. Isa ako sa representatives ng aming school sa isang convention.
Kasama din namin nun si Kuya Jerome. Ang hearthrob sa school namin. Na di naman kataka-taka dahil siya ay matangkad (mga 5'8"-5'9" na ata sya, 4th year pa lang sya nun), matipuno, maputi at higit sa lahat gwapo (younger version sya ni Richard Bonnin). Lahat ata ng mga babaeng representatives (ng school namin, kahit pa yung mga taga-ibang school, pati na ata yung isang madre na adviser ng isang delegation ay may crush sa kanya).
Anyway, ipinapanguna ko na na hindi ko sya naging crush. Wala pa sa bokabolaryo ko nun ang mga crush-crush.
So ano ang kwento? Oh well, si Kuya Jerome ay naging Big Brother sa akin through out the weeklong national seminar-workshop-convention. Sya ang naging protective kuya sa akin, marahil dahil sa ako ang pinakabata (at pinakamaliit) na kinatawan dun.
Sya ang taga gising ko pag mag-aalmusal na. Sa gabi bago matulog, itatanong nya kung nagugutom ba ako, na sa mga gabing medyo nagugutom ako, bibilhan nya ko ng snacks.
May dalawang pagkakataon din na pinasan nya ko sa kanyang balikat. Una dahil napagod ako ng husto ng mapagtripan naming maglalakad-lakad/magjogging isang umaga, pinasan nya ko pabalik. Ikalawa eh nung namasyal kaming lahat sa park.
Pag ang mga upper classmen ay nagsisimula nang magusap ng usapang kabastusan, he is quick to point out na meron daw bata. Pero mayamaya eh itutuloy din naman nila ang kanilang kwentuhan.
On the two occasions that they snuck out to have boy's-night-out, inihatid nya ko sa girls' quarters para dun matulog at sinundo na lang nya ako ulit pagbalik nila.
Nung sumama kaming magghost hunting, isa sya sa mga nangungunang manakot, pero he always made sure that I was beside him, checking if I was alright.
Kami ang magkatabi sa bus pauwi para daw pag inantok ako, tulog lang daw ako sa kanya para hindi ako mahirapan. Nakatulog nga ako all the way from Baguio hanggang sa may amin.
Kuyang kuya talaga sya sa akin nun.
Pagkatapos ng convention, balik na din kami sa aming dating buhay. Ako ang pabibong first year, siya ang hearthrob na forth year. Kapag nagkikita kami around the campus, usual lang na hi at hello at kamusta. In short, di kami naging close after.
After nya maggraduate, sa Manila sya nagcollege. Kaya lalong hindi na kami nagkitang muli. I couldn't even recall now kung kelan kami huling nagkita.
Ang tagal na nga din mula ng huli ko syang maalala. Neto na lang ulit, ng marining ko ang:
...Remember me this waaaay, Remember me this way....
=============================
Never na kaming magiging close ni Kuya Jerome. Never ko na din sya makikita ulit. A few years back, he figured in a horrible motorcycle accident in which he died on the spot. Nalibing na nga lang sya nung mabalitaan ko, hindi man lang ako nakabisita sa burol.
Perhaps Kuya Jerome wanted me to remember him as my sweet, caring and thoughtful kuya. And perhaps he wanted the song to be a means for me to think about him from time to time.
So yes, Kuya Jerome, wherever you are, I will remember you that way...
Thursday, August 7, 2008
Break Muna - Apat
O cge na, ayaw ko naman magkadry spell for 4 years kaya Gibo eto na ang sagot sa tag mo, hmpt!
Instructions: What you are supposed to do...and please don't spoil the fun...
Click copy/paste, type in your answers and tag four people in your lists!
Don't forget to change my answers to the questions with that of your own
(A) Four places I go over and over:
bahay, office, gym, malls (shang/gb)
(B) Four people who e-mail me regularly:
berks (email chat), running group (email chat), friendster (friends' updates), lina (jobstreet)
(C) Four of my favorite places to eat?
Mang Jimmy's, Green Tomato, kila Mama, kila Lola (pareho silang masarap magluto, as in!)
(D) Four places you'd rather be?
Beijing (for the olympics), Paris, New York, not here
(E) Four people I think will respond:
susme lahat na ata na-tag na, bagal-bagal kasi sumagot! ayaw ko ng tagtuyot!
Hoy Mrdj. sumagot ka! Nathan ikaw din! Bebs at Alex, natag din kayo. hihihi
(F) Four TV shows I could watch over and over:
Project Runway, America's Next Top Model, Grey's Anatomy, Ugly Betty
Note: Bad sex for 4 years for those who will break the chain. Ouch.
Thursday, July 31, 2008
mga kaekekan ni Fiona sa premier epi ng prp
Frustrated fashion designer ako (pasensya na pagiging model lang ang kinaya kez). Kaya naman super super favorite ko ang Project Runway! At super natuwa ako ng nalaman kong meron na din neto sa Pilipinas kong Mahal!
Dahil nasa office pa ko, hindi ko napanood ang premier telecast ng runway pinas. Ngunit datapwat subalit, hindi ko maaring mapalampas itey. Kahit pa alas 3 ng umaga na ko umalis sa trabaho at alas singko na natulog, mega wake up early little susie pa din ang Fiona para mapanood ang 9am na replay.
Hindi naman ako nageexpect na kasing lebel ng mga chuchu sa US at iba pang bansang naglalabas ng naturang franchise, pero naman! Naman. Bakit naman ganun ang production ng Philippine version? Ang lighting ha, susme. Pati sound. O cge isama mo na din ang editing. Kalurki. Pero cge na nga, since taghirap naman, papatawarin na. Pero sana naman sa mga susunod na episodes, eh medyo mas maayos na.
Anyhoo, o cge na nga pretend na lang ako na naaliw ako na imbes na champagne sa welcome toast eh buko! Juice ko pow! Pero cge na nga, at least nagtry na maginject ng mga tatak Pinoy tulad ng jeepney at native basket, kaya clap, clap, clap na din!
Natuwa naman ako sa paghohost ni Teresa, naaliw din ako kay Jojie. Yung mga judges, medyo safe, nde pa nagtataray. Tsaka yung iba nilang comments parang narinig ko na somewhere. hihi At ang bow tie ni Ateng Rajo, wala ako ma-say.
Sa mga kontestants naman at sa mga gawa nila for this week's challenge. As I expected, eksena ang mga designs nila Aries (kahit pa may mga stray na sinulid sa dulo ng skirt na gawa nya) at Veejay (na shang bet ko so far sa contest).
Medyo gets ko ang poot ni Eli sa dalawa, dahil oo nga naman, give chance to others naman daw, kasi nagkakapangalan na nga naman daw yung dalawa. (Nde ko man bet na manalo si Eli, sana magtagal pa sya sa show kasi bet na bet ko sya at ang kanyang tattoo. Gosh, may bago akong crush. kilig.)
Nagustuhan ko din ang mga gawagawaan nila Ivan (T'voli ekek), Lord (Japanese street ekek), Jaz (Asian ekek) at pati na din yung kay Mara (Icelandic art deco ekek). Kanya-kanyang trip lng yan. hihihi.
At ang mga ligwak naman sa aking sophisticated sense of style (echos. may ganun pang nalalaman!) ay ang mga kuningkuning nila Philipp, Lorymer at Manang Loida (na eventually, syang napaalis).
Inabangan ko pa talaga kung ano ang magiging Pinoy version ng "auf wiedersehen" ni Ateng Heidi, pero ang huling sinabi lang ni Teresa ay "ingat". Hindi ko alam kung yun na yun or makakapagisip pa sila ng mas maganda at catchy na phrase. Sakit sa ulo ah, nagamit na ni papi John Lloyd yun eh!
Matapos kong chakachakahin ang first episode, gigising pa ba ako ng maaga para makanood ng Project Runway? Naman!
Syempre oo! hahaha Sabi nga nila the more you hate, the more you love di ba? hahahahaha Ba't ba! Excited na ko sa next episode!!!
Tuesday, July 29, 2008
Fit&Fun Buddy Run
It was raining really hard when I woke up the morning of July 27th. Oh no! Ayokong tumakbo ulit sa ulan dahil ayaw kong madumihan na naman ang aking bagong sapatos!
Tumawag ako sa organizers ng run to confirm if the race would push thru even with the downpour and they said yes! Ugh, cge na nga, maputikan na kung maputikan ang sapatos, go na sa takbo!
Tumila naman ang ulan.
Ligong bibe lang ako dahil malamig. Nagbihis. Nag-almusal. Tumakbo for 10mins para warm up. Nagtaxi. Iniwan ang gamit sa baggage area. At syempre, nagboy watching. hahaha. May mangilan-ngilan ding artista ang nakita kong sumali sa race.
Sabi ng host na si Paolo Abreira bago magsimula ang takbuhan, "for a safe race, serious runners who would want to break their records should be in front, leisure runners who want to take it slow should stay at the back."
Naman! Syempre pa dun kami sa unahan pumwesto no! Serious runners ata kami!
(This race pala is sponsored by Robinson's Supermarket and is a buddy run, meaning, both partners should begin and finish the race together. Dahil hindi naman agad nagconfirm si Jimboi, hindi sya yung buddy ko (at hindi na din sya nakakuha ng partner eventually). Bunutan kami ng kung sino magkaka-pair. Sa akin si Nic.)
And then go na! Una kong ka-pace sila Abbey at Glady at yung iba pa naming ka grupo sa running club. Naiwanan na namin ang partner ko. Tas nung naisip ko na first run nya to at tumatakbo sya magisa, binalikan ko sya. Hala, naglalakad na agad ang bruha! Kamustahin, wala pang 1km yun! Hahaha Sabi nya, iwanan ko na lang sya. So sabi ko na lang, antayin ko sya sa finish line, if ever.
So mega habol ulit ako sa iba. Tas may mga iba akong naunahan pa. In fernez, bumibilis ako ng konti! hahaha
Nakakatuwa yung ibang magpapartner! May isa akong nakita, yung isa medyo competitive, yung isa halatang napipilitan lang. So si competitive guy, tatakbo, babalikan si napipilitan guy, tas magpepep talk, "You can do it. Run! Go! Run!". hahaha Si napipilitan guy naman, halos hindi na makapagsalita "Mauna ka na, hindi ko na kaya tumakbo, I'll just walk for awhile!". Tas tatakbo ulit si competitive guy. Tas babalik ulit at magpepep talk! hahaha Nakakaaliw pero iniwanan ko na din sila kasi bumabagal din ako kakanood sa kanila! Hahaha.
After siguro ng mga 3 km, medyo napapagod na ko. So mega hingal hingal na ko and everything! Pero para na lang di maggive up, iniisip ko kung sino sa mga nasa unahan ko ang kaya ko iovertake tas pinipilit ko unahan sila! Medyo nagwork naman kahit papano. haha
Tas nung nakita ko yung 4km mark, kahit hapong hapo na ko, I kept on thinking, "1kilometer na lang, 1 kilometer na lang! Kaya mo yan!" hahaha. Tas nung medyo malapit na nagsprint na ako papunta sa finish line, pero naisip ko hindi ko kasabay yung buddy ko kaya nagmabagal ulit ako.
Yung mga walang partners, pinapatabi muna upang intayin ang kapair. Eh di antay naman din ako. Hala, lahat na ng kakilala ko nakita ko ng natapos, nagaantay pa din ako sa partner ko.
Si kuya marshal, natatawa na sa akin at sinabi na kanina ka pa dyan ah, wala pa partner mo? Hello kuya, obvious ba?! Nakakaistress mag-antay in fernez. Tinubuan na ko ng ugat, wala pa din si Nic. Nagwoworry na ko baka nagkolap sya at nasa ambulansya na! wahahaha
After mga 15mins cguro, ayan na, ayan na, natanaw ko na! Naglalakad! So ako naman, sumigaw-sigaw ng "bilis, bilis" sabay paypay sa towel!
Imbes na tumakbo, kumaway-kaway pa ang bakla! Feeling ata nasa parada si ganda, kaloka!
52 mins. Yan ang time namin! Winnur! Kasabay naming natapos mga lola!
Buti na lang may grocery bag sa lahat ng tumakbo kaya sulit ang race! Natuwa naman ako sa lootbag kaya nde ko na binungangaan si partner! hahaha
Until the next race! Ready, set, run! :p
Thursday, July 24, 2008
The thank you girls are coming to town!
Bebs, nde mo na kelangan makisingit pa...
Finally... the premiere night!
Hail to the queens of the backstage! First, they conquered Mindanao. Now, the universe.
Catch the premiere night of the gayest film of all, THE 'THANK YOU' GIRLS on August 28, 2008 at the UP Cine Adarna (formerly UP Film Center), 6:30 pm.
Written and Directed by Charliebebs Gohetia
Produced by Brooklyn Park Pictures
In cooperation with Bicycle Pictures and Alchemy of Vision and Lights
Synopsis:TYG is a Visayan film with a gay lingo twist.Tired of losing in all the beauty competitions in Davao City, five dysfunctional gay beauty pageant veterans decide to travel north to Cagayan de Oro City, in the island of Mindanao, with a mission to conquer the grandest competition of beauty, personality and brains in the province.
They believe that being city dwellers, gays in the province will never stand a chance against them.
And who says gay films are just sex films after all?
The Thank You Girls website here.
...gawin mo lang akong extra sa susunod mong pelikula! hahahahaha :p



SHIT HAPPENS. But we must move on and continue on with our lives.
Pwede namang maghugas pagkatapos. O magpunas ng tissue.
(Haaaay, nangangamoy pa din. Di ata ako nakapaghugas pa ng maayos.)